ISA SA PINAKA MAHALAGANG BAHAGI SA BUHAY NG ISANG TEENAGER AY ANG HIGH SCHOOL LIFE. DITO NABUBUO ANG MGA PANGARAP AT MALALIM NA PAGKILALA SA SARILI SA MGA PANAHONG ITO. MASAYA MAN NGUNIT ITO RIN ANG PANAHON KUNG SAAN NA HAHARAP ANG KABATAANG PINOY SA IBA’T IBANG URI NG PROBLEMA NA KAILANGAN NILANG HARAPIN AT MALAMPASAN.
MASAYA MAN ANG HIGH SCHOOL LIFE, ITO ANG PANAHON KUNG SAAN NA HAHARAP ANG KABATAAN SA MGA BAGONG ARALIN AT MAHIHIRAP NA ASIGNATURA. MULA SA BASIC EDUCATION NG ELEMENTARY YEARS NILA, NGAYON NAHAHARAP SILA SA MGA MAHIHIRAP NA SUBJECT AREAS SA APAT NA TAON NG KANILANG PAG-AARAL SA SEKONDARYANG EDUKASYON. NARIYAN PA ANG MGA EXTRA CURRICULAR ACTIVITIES SA SCHOOL NA KUMAKAIN DIN SA ORAS NILA SA PAARALAN. NAHAHATI ANG ORAS NILA SA MARAMING BAGAY LALO NA’T NAG SULPUTAN ANG MGA MODERN GADGETS TULAD NG CELLPHONES AT ANDROID DEVICES NA KAAGAW DIN SA KANILANG ATENSYON SA PAG-AARAL. PAANO NILA ITO MALALAMPASAN? ISANG MAHIRAP NA TANONG PARA SA KABATAAN SA NGAYON.
ISA PA SA NAKAKABAHALANG HAMON PA SA KABATAAN AY ANG PEER PRESSURE O ANG IMPLUWENSIYA NG BARKADA SA BUHAY NG ISANG TEENAGER. NAPIPILITAN NILANG SUBUKAN ANG MGA BAGAY NA DI NILA NAGAGAWA PA TULAD NG PAGTIKIM NG DROGA, PAG HUMALING SA INUMING NAKAKALASING, PORNOGRAPIYA AT SEX. NAPIPILITAN NILANG GAWIN ITO DAHIL SA PUWERSA NG KANILANG KASAMAHAN AT KUNG HINDI NILA GAGAWIN, MAAARI SILANG ITABOY NG MGA ITO. WALANG TEENAGER SIGURO ANG NAIS MAIWAN NG IBA AT MAIHIWALAY SA MGA GRUPO. NAKAKAHANAP SILA DITO NG KASIYAHAN AT PROTEKSYON LABAN SA MGA MAPANURING MATA NG LIPUNAN. IBAT IBANG GRUPO NG KABATAAN ANG MAKIKITA SA PAARALAN NA MAY KAKAIBANG KATANGIAN . NARIYAN ANG GRUPO NG SPORTY TYPE NA KABATAAN. GRUPO NA HEARTHROB ANG PEG, GRUPO NG MGA WEIRDO, GRUPO NG MAYAYAMAN NA KABATAAN, AT MGA GRUPONG PASAWAY. ANO ANG PIPILIIN NG ISANG KABATAAN PINOY SA NGAYON? SAAN SILA MAPAPABILANG UPANG MAGING MEMORABLE ANG TEENAGE LIFE NILA?
ILAN LAMANG ITO SA MGA HAMON NA NAKAKAAPEKTO SA KABATAANG PINOY. ANO MAN ANG HAMON NA KANILANG KAKAHARAPIN SA BUHAY TEENAGER NILA AY MAGBIBIGAY SA KANILA NG MGA ARAL SA BUHAY NA MAAARI NILANG GAMITIN SA PAKIKIPAGSAPALARAN SA HINAHARAP. HAYAAN NATIN SILANG HANAPIN ANG KANILANG SARILI SA MGA PANAHONG ITO YUNG TIPONG MADAPA AT PUMILI NG MGA MALING DESISYON. SILA RIN MAKAKAHANAP NG SOLUSYON SA MGA HAMON NA ITO. GABAYAN NATIN SILA SA MGA PIPILIIN AT GAGAWIN NILA SA PANAHON ITO.
KAKAIBA NA NGA BA NGAYON ANG KABATAANG PINOY? MALAYO NA SA LUMANG HENERASYON? ANO MANG PANAHON AT HAMON ANG DUMATING SA KABATAANG PINOY, ANGAT PARIN TAYO SA IBANG LAHI SAPAGKAT SUBOK NA TAYO AT MATATAG SA ANO MANG HAMON, DAGOK AT PAGSUBOK SA BUHAY. ITO ANG MAGBIBIGAY SA ATIN NG BAGONG PANANAW AT PAGHARAP SA BAGONG BUKAS NA DARATAL. KABATAANG PINOY, HANDA KANA BA? NASA KAMAY MO ITO NAKASALALAY.
By: ALDWIN S. SABRAN | TEACHER II | MARIVELES NATIONAL HIGH SCHOOL-CABCABEN