Hapag! ano nga ba ang malalim na kahulugang hapag?Hapag! ano nga ba ang malalim na kahulugang hapag?Bawat Pamilyang Pilipino ay mayroong hapag na tinatawag. Mayroong marangya ay mayroong sapat lang at mayroong kapos .ikaw saan ka nabibilang nahapag? Kung ako ang iyong tatanungin , naandun ako sa hapag na kapos. Bakit mo nasabi iyan marahil ulit ang iyong katanungan. Sa kadahilanang ako ay isang maralitang guro na pilit na isinasalba ang edukasyon ng aking mga supling , lalo ngayon na nahaharap tayo sa isang pandemya na kay hirap sugpuin dahil sa kawalan ng disiplina ng bawat isa. Ako ay simpleng guro sa paaralang aking pinaglilingkuran may asawa at apat na supling. Sabi ng iba mapalad daw ako dahil ako ay may tapos ng anak. Dalawa na , maituturing kong ako ay mapalad dahil sila ay nakatapos sa kursong ipinagpilitan ng pagiging magulang ko at pagiging isang ina . sa kasalukuyan ako ay dumaranas na pagiging isang braed winner sa aking pamilya kahot sila ay nakaraos na sa kanilang kurso , ang pangalawa ko ay kukuha pa ng lisensya bilang isang ehinyera. At ang pangatlo at matatapos pa lang sa kursong agrikultura at ang buso pati ang aking manugang ay nasa antas ng unang hakbang sa kolehiyo . kaya ako ay nasa hapag ng kapos sa maraming bagay , gaya ng kakulangan sa magarbong pagkain, magarbong pananamit at magarbong kagamitan.mapalad daw ako dahil ako ay may tapos ng anak. Dalawa na , maituturing kong ako ay mapalad dahil sila ay nakatapos sa kursong ipinagpilitan ng pagiging magulang ko at pagiging isang ina . sa kasalukuyan ako ay dumaranas na pagiging isang braed winner sa aking pamilya kahot sila ay nakaraos na sa kanilang kurso , ang pangalawa ko ay kukuha pa ng lisensya bilang isang ehinyera. At ang pangatlo at matatapos pa lang sa kursong agrikultura at ang buso pati ang aking manugang ay nasa antas ng unang hakbang sa kolehiyo . kaya ako ay nasa hapag ng kapos sa maraming bagay , gaya ng kakulangan sa magarbong pagkain, magarbong pananamit at magarbong kagamitan.Ngunit sa aking paalala sa aking mga anak . edukasyon ang sagot sa ating kahirapan. Kung gusto Ninyo ang magarbong hapag kayo ay tumalima sa aking panawagan nakayo ay tumahak ng magandang daan upang sa gayon ay hindi na Ninyo maranasan ang bali-balikong landas ng buhay na kung lilimiin ay gawa din ng may katawan.
‘’HAPAG’’na aking maibibigay ay mabuting edukasyon sa hinaharap upang sila ay makatugpa sa hirap ng buhay na kasalukuyan naming dinaranas at daranasin pa sa loob ng mahaba-habang oras at panahon.Sabi nga sa aking likhang kasabihan;‘’Edukasyon ang sagot sa taong salat , upang ang iyong kinabukasan ay masalat’’Muli hindi balakid ang kapos sa hapag upang hindi mo makuha ang ganda ng bukas!
By: EDIESA P. MENDOZA | Teacher III | BNHS