HARI NG KALSADA

Kumusta? Narinig niyo na ba ang kantang “Beep … Beep … Beep, ang sabi ng Jeep” ni Willie Revillame? Nabanggit kasi sa kantang ito ang pambansang transportasyon sa kasalukuyan, ang “Jeepney”. Sa kabila ng makulay na imahe na ito, bumabalot ang kontrobersiyal na isyu – ang Jeepney Phaseout . Ngunit bago ako magpatuloy, mayroon muna…


Kumusta? Narinig niyo na ba ang kantang “Beep … Beep … Beep, ang sabi ng Jeep” ni Willie Revillame? Nabanggit kasi sa kantang ito ang pambansang transportasyon sa kasalukuyan, ang “Jeepney”. Sa kabila ng makulay na imahe na ito, bumabalot ang kontrobersiyal na isyu – ang Jeepney Phaseout . Ngunit bago ako magpatuloy, mayroon muna akong katanungan sa inyong lahat. “Handa na ba tayong isuko ang transportasyon ng masa, ang “jeepney”, sa ngalan ng modernisasyon?”

Ang “jeepney” ay hindi lamang sasakyan; ito’y simbolo ng ating kultura at pagiging masining nating mga Pilipino.  Ang pagtanggal nito ay magdudulot ng krisis hindi lamang sa ating pambansang identidad kundi pati na rin sa ekonomiya.  Ang libo-libong “jeepney drivers” na nagsusumikap at nagtatrabaho nang maayos ay mawawalan ng pagkakakitaan, gayundin ang mga “operators”.  Paano na ang kanilang pamilya?  Ang kanilang nag-aaral na mga anak?  Ang kanilang bayarin at mga pinagkakautangan kapag ito”y mawawala? 

                    Marami ang umaasa sa “jeepney” para sa abot kayang transportasyon na magiging biktima ng mataas na pamasahe at kawalan ng opsyon.  Samantalang ang mga drayber na naging bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay ay mahihirapan sa bagong sistema na hindi siguradong makatutulong sa kanilang sitwasyon. Idagdag pa ang pagbabago ng sistema na kailangang yakapin gaya ng pagbili ng makabagong jeeney at ang prangkisa nito.  Ito ay tila isang pagpapatawid ng kalsada  na may malaking pabor sa may prebilihiyo habang itinataboy ang naghihirap sa tabi.

                    Masasabi rin naman nating isang magandang hakbang ang modernisasyon ng sektor ng transportasyon.  Marami ang makikinabang dito.  Ang karaniwang rason ay ang polusyong dala ng mga dyip, isyu sa kaligtasan, mga lumang disenyo na hindi angkop sa panahon natin ngayon at iba pa.  Nakasentro sa maraming dahilan ng “jeepney phaseout” sa kalagayan ng mga dyip ng bayan.  Nakaligtaan naman natin ang  mga drivers at operators na umaasa sa kita mula sa jeepneys na ito na tinatayang mga 140,000 na drivers at 60,000 na operators na mawawalan ng kabuhayan dahil dito.

                    Sa kabuuan, hindi makatarungan ang jeepney phaseout sa ngayon lalong-lalo na sa libo-libong “jeepney drivers” na nagtitiyaga para may panustos sa kanilang pamilya, anak, bayarin at iba pang pangangailangan.  Kung mawawalan sila ng hanapbuhay, saan sila pupulutin? Nasaan ang gobyernong nangakong walang maiiwan?                     Mahalaga ang malawakang pagpaplano para sa modernisasyon at sistema ng transportasyon.  Para sa atin iyan. Ngunit huwag nating kalimutan ang pagpupunyagi ng mga jeepney drivers.  Huwag nating hayaang mawala ang trono ng mga Hari ng Kalsada at gawin ang tamang hakbang na makabubuti sa lahat.  Isaalang-alang ang kapakanan at kinabukasan ng bawat Pilipino.