Hindi Diyos Ang Mga Guro

Marami na akong napagdaanan na guro sa aking buong talambuhay. Noong una, akala ko wala namang ambag sa pagkatao ko ang mga guro. Andyan lang sila para maging magandang ehemplo para sa amin ng aking mga kaklase. Para din silang mga diyos na binibigyan namin ng nararapat na respeto. Wala naman akong reklamo, pero sa…


Marami na akong napagdaanan na guro sa aking buong talambuhay.

Noong una, akala ko wala namang ambag sa pagkatao ko ang mga guro. Andyan lang sila para maging magandang ehemplo para sa amin ng aking mga kaklase. Para din silang mga diyos na binibigyan namin ng nararapat na respeto. Wala naman akong reklamo, pero sa mga panahong iyon ay akala ko hanggan doon nalang ang relasyon ko sa aking mga naging guro.

Ako pala ay nagkamali. Ang ilan sa aking mga dating guro ay aking naging mga kaibigan na. Dito ko nakita na wala silang pinagkaiba sa akin.

Ang aking mga guro na naging kaibigan din ay parang ako. May mga pangarap na unti-unting nakakamit. May mga kinakatakutan na pwede huwag nalang mabanggit. May mga sikreto din na tinatago. At ang aming mga kalooban ay pwedeng magbago sa pagitan lamang ng isang leksyon at bagong aralin.

Hindi diyos ang mga guro. Ang ilan nga sa aking mga guro noon ay pumanaw na kaya imposible talagang maging diyos sila. Ang aking mga guro noon at ngayon ay mga tao lamang. Kagaya ko na gusto lamang magturo ng magagaling na estudyante para gabayan sila sa agos ng buhay.

By: Mr. Noel Aratan Mendoza