“HINDI MASAMA ANG MAGMAHAL”

  Hindi masama ang magmahal, Lalo na’t ang nararamdaman mo’y wagas at surreal. Ang iniirog mo’y lubos mong dangal, Dalangin sa taas, ang pagsasama’y tumagal. May mga pagkakataong nariyan ang pagsubok, Mga bisyo at kalokohan, minsan kang mahihimok, Ngunit sa pagmamahal, dun ka dapat tumutok, Talikdan mga kasalanan, pahiring tulad ng alikabok. Ang pagmamahal ko’y…


 

Hindi masama ang magmahal,

Lalo na’t ang nararamdaman mo’y wagas at surreal.

Ang iniirog mo’y lubos mong dangal,

Dalangin sa taas, ang pagsasama’y tumagal.

May mga pagkakataong nariyan ang pagsubok,

Mga bisyo at kalokohan, minsan kang mahihimok,

Ngunit sa pagmamahal, dun ka dapat tumutok,

Talikdan mga kasalanan, pahiring tulad ng alikabok.

Ang pagmamahal ko’y hindi magmamaliw,

Sa sinisinta ko’t kabiyak na giliw.

Sa bawat sandaling puno ng tuwa’t aliw,

Himig ng pag- ibig, ligaya ang galaw at saliw.

Sa pag- ibig ko mahal ikaw ay manalig,

Ikaw lang ang tanging sinta, sadyang iniibig,

Sa mga tukso’t kalokohan, di ako padadaig,

Buhay ko’y ikaw, ligaya ko’t daigdig.

Mahal ko wala na akong ibang nasa,

Buhay ko’y makulay, puno na ng pag- asa.

Sa iyo giliw ko hindi ako magsasawa,

Ikaw na ang dalangin, maging kabiyak ko’t asawa.

By: Rodolfo N. Ariola, Jr. | T-I | Cabcaben Elementary School