Ang turo ng Guro lagi,
Sa lahat ng Gawain maliit man o malaki,
Katapata’y dapat maging ugali.
Ibalik ang sobrang sukli
Napulot ay ibalik sa may-ari
Magsabi ng totoo at h’wag manisi
Isipin lagi mga gawaing mabuti.
Pagsisinungaling sa kapwa ay maling-mali
Katotohanan ay huwag isantabi
Isipin mo bago bigkasin ng labi
Upang sa huli ay hindi magsisi
Honesty is the Best Policy
Ay hindi matutumbasan ng halaga
Ito’y dangal na iyong maipagmamalaki
Sa Diyos, sa tao at sa iyong sarili.
By: Cecilia S. Gusi | Teacher_I | Duale Elementary School