HUWAD NA PAG-IBIG…

Gising ang diwa kahit pa pikit ang mataLaman ng isip, “paano ang bukas kung wala ka?”Labis ang iniyak nang iwan mo sintaTinatanong ang sarili, ako’y nagkulang ba? Araw at gabi, inaaliw ang sariliH’wag lang maalala iyong huling sinabiIniwang mag-isa, inisip lang iyong sarili“Bakit? O, bakit?” iyan lang tanging nasabi Mga alaala, mga larawan, tanging tinitingnanPangungulila…


Gising ang diwa kahit pa pikit ang mata
Laman ng isip, “paano ang bukas kung wala ka?”
Labis ang iniyak nang iwan mo sinta
Tinatanong ang sarili, ako’y nagkulang ba?

Araw at gabi, inaaliw ang sarili
H’wag lang maalala iyong huling sinabi
Iniwang mag-isa, inisip lang iyong sarili
“Bakit? O, bakit?” iyan lang tanging nasabi

Mga alaala, mga larawan, tanging tinitingnan
Pangungulila sa’yo hanggang kailan matatagalan
Pagngiti’t pagtawa hindi na makayanan
Laging naaalala ating mga tawanan

Akala’y pag-ibig sa isa’t isa ating panghahawakan
Nagulat na lamang isang araw ako’y ayaw nang hagkan
Sugat sa dibdib’y malalim, labis na nasugatan
Hindi lubos maisip na ganito ang kahihinatnan Ngunit sarili’y aking kinausap nang harapan
Sinabing ang sakit na ito’y aking lang daraanan
Alam na pagkatapos ng dilim, liwanag ay masisilayan
Bago at tunay na pag-ibig akin ding mararanasan.