Marami ang nagsasabi na ang pandemya ang pumapatay sa karunungan at kaalaman ng mga mag-aaral dahil sa malaking pinasala na naidulot nito sa buong mundo. Muntik ng ipagpaliban ang pasukan masiguro lang ang kaligtasan ng maraming kabataan.
Maraming guro ang nagsakripisyo matugunan lamang ang pangangailangan ng mga mag-aaral lalo na ang mga salat sa buhay. Hindi biro ang ginawa nila upang magkaroon ng modyul na magagamit sa distance learning. Dagdag pa rito ang ang pag-isa-isa sa mga bahay, pag-akyat n g bundok, pagtawid ng ilog, paglalakad ng kilo-kilometro maihatid lamang ang modyul ng mga mag-aaral. Sila ang mga guro ng modular.
May mga guro naman ng online. Sakripisyo rin ang ginagawa nilang paghahanda. Gumagawa ng sila mga powerpoint presentation na gagamitin sa pagtuturo online. Di masukat ang galing ng mga guro kung paano makuha ang atensiyon ng kanilang mag-aaral. Matagal na nakababad sa kompyuterter mabuo lang ang aralin. Sa kabila ng mga suliranin sa online tulad ng mahinang internet, patuloy pa rin na nagsisikap ang mga guro maturuan ng kanilang mga mag-aaral.
Tunay na di matatawaran ang mga pagsasakripisyo ng mga guro sa bagong normal na pgg-aaral. Pahalagahan ang edukasyon.Huwag itong hayaang mawala.
By: Sharon L. Dela Cruz / Teacher III / Bataan National High School, Balanga City, Bataan