H’WAG MAGING MAILAP, O AKING PANGARAP!

Sa bintana, madalas na nakatingin Sa isipan maraming nais na baguhin Pag-asa sa buhay, pahahabain Dahil pangarap nananaig man din Napakalayo pa ng pupuntahan Bawat hakbang mahalagang matindigan Dahil hindi tuwid lahat ng lalakaran Sapagkat may mga malalakarang lubak na daan Sa pagpikit ng mata sa gabi Mga ngiti’y namumutawi sa labi Mga pangarap hindi…


Sa bintana, madalas na nakatingin

Sa isipan maraming nais na baguhin

Pag-asa sa buhay, pahahabain

Dahil pangarap nananaig man din

Napakalayo pa ng pupuntahan

Bawat hakbang mahalagang matindigan

Dahil hindi tuwid lahat ng lalakaran

Sapagkat may mga malalakarang lubak na daan

Sa pagpikit ng mata sa gabi

Mga ngiti’y namumutawi sa labi

Mga pangarap hindi maisantabi

Siyang tunay na nagpapakilig, iyon ang sabi

Gabing madilim, pangarap nabubuo

Walang pagsidlan, pagtupad nito ang gusto

Problema’y darating, haharaping buong-buo

Hindi patitinag, mananaig laman ng puso

Kaya payong kaibigan sa mga kapuwa ko nangangarap

H’wag titigil hangga’t ‘di naaabot ang alapaap

Kapit hanggang tagumpay iyong mayakap Sapagkat natatanging pag-asa’y maabot mga pangarap