IBA’T – IBANG KLASE NG GURO SA PAARALAN

Habang nagba – browse ako sa facebook isang post ang tumawag ng aking pansin. Ang post na ito ay pinamagatang “IBA’T – IBANG KLASE NG GURO SA PAARALAN.” Natatawa ako habang binabasa ko ang mga ito dahil ang ilan dito ay malapit sa katotohanan. At base sa mga komentong nabasa ko tungkol dito ay marami…


Habang nagba – browse ako sa facebook isang post ang tumawag ng aking pansin. Ang post na ito ay pinamagatang “IBA’T – IBANG KLASE NG GURO SA PAARALAN.” Natatawa ako habang binabasa ko ang mga ito dahil ang ilan dito ay malapit sa katotohanan. At base sa mga komentong nabasa ko tungkol dito ay marami talaga ang nakarelate lalong lalo na ang mga estudyante. Ilan sa mga ito ay nais kong ibahagi sa inyo.

Iba’t – ibang klase ng guro sa paaralan:

The Terror – “Sit up straight, bags below your chairs, ballpen at notebook lang ang nasa armchair.” Mga gurong mahigpit sa loob ng klase.

The Hugot Queen“Today we will talk about reciprocation. So humanda na yung mga sanay nang hindi nare – reciprocate yung efforts nila.” Mga guro na mahilig humugot sa lesson.

The Idol“WOW.” Sila yung mga guro na mapapahanga ka na lang sa sobrang galing magturo.

The Institution“Naging estudyante ko nanay mo dati.” Sila yung mga guro na naging guro rin ng nanay o tatay mo.

The History – Sila yung mga guro na halos kilalang kilala mo na ang talambuhay dahil sa araw – araw na pagkukwento tungkol sa kanyang buhay.

The Book Reader – Mga guro na wala ng ibang pinagawa sa kanyang estudyante kundi ang pabasahin ang mga ito sa unahan isa – isa.

I’ll Be Back – Sila yung mga guro na may ipapagawa sa mga estudyante at magpapaalam na saglit lang hanggang sa matapos na yung oras ng klase niya sa inyo hindi pa rin siya bumabalik.

The Wrong Turn – Sila yung mga guro na magtatanong at kapag alam mo yung sagot at nagtaas ka ng kamay iba ang tatawagin kapag nagtanong ulit at hindi mo na alam yung sagot kahit hindi ka nagtatas ng kamay ikaw ang tatawagin.

Ikaw, anong klase ng guro ka sa mga nabanggit?

 

Sanggunian:

 

7 TYPES OF TEACHERS

Teacher e-Forms

https://www.facebook.com/113073128757578/photos/pcb.1233712073360339/1233711180027095/?type=3&theater

IBA’T – IBANG KLASE NG GURO

Wattpad

https://www.wattpad.com/16073603-fact-about-high-school-iba%27t-ibang-klase-ng-guro/page/2

By: Jecelyn Joy D. Juganas | LPT – Social Studies