Ang Departamento ng Edukasyon ay nagkaroon ng isang mithiin iyon ay mabigyan ang mga bata ng libreng edukasyon, magandang edukasyon at maging globally competitive na mga bata, kung saan ito ay magagamit nila hanggang sa kanilang paglaki.
Bilang isang magulang ang mithiin natin ay mapag-aral, mapagtapos at mabigyan ng magandang kinabukasan ang ating mga anak.
Bilang isang guro kailangan ang ating mithiin ay mabigyan sila ng kuwalidad na edukasyon kung saan magiging kasangga nila ito sa araw-araw nilang pamumuhay.
Bilang isang bata gusto rin nila na magkaroon sila ng magandang trabaho, magandang buhay sa kanilang paglaki.
Napakaganda nga talagang iisa ang mithiin ng bata,magulang, guro at ng Kagawaran ng Edukasyon na mabigyan ng sapat na paaralan, kuwalidad na edukasyon at magandang kinabukasan ang mga bata.
Sabi nga pag may iisang mithiin may iisang gawain ng ang mga bata ay maging magaling.
By: APRIL JANE A. BRIONES / TEACHER I /BAGONG SILANG ELEMENTARY SCHOOL | BALANGA CITY, BATAAN