Kailan mo masasabi na ikaw ay inang mapagkandili?Inang mapagmahal?inang gagawin ang lahat makita lang masaya ang anak?Kailan mo masasabi na ikaw ay inang mapagkandili?Inang mapagmahal?inang gagawin ang lahat makita lang masaya ang anak?Palagi yan ang katanungan nating mga tao. Kapag ang ina ay nakitang nakaupo ,,, TAMAD na ina. Hindi ba pwedeng nagpapahinga lang dahil sa dami ng Gawain? Kapag ang ina linis ng linis ng bahay ,, walang nakakapuna. Kapag ang ina ay nag-aalaga sa anak na may sakit ,, walang nakakakita… kapag ang ina ay nagtitiis ng gutom para sa anak na alibugha walang man lang nakakita ,, ngunit sa isang pagkakamali ng ina marami ang nakakakita. Ang tanong BAKIT???????Siguro nga mali na lahat ay ating akuin , mali ang lahat ay gawin para sa ikakabuti ng pamilya , dapat at tama lang na hatian natin sa ating mga asawa sa kung paano dadaloy ang isang pamilya , para alam nil ana hindi lang ang ina ang tao sa pamilya.. para mabukas ang isip nila na mahirap ang maging isang ina….. ito ang isang bokasyon na 24/7 ay walang oras na expiration. Dapat 24/ 7 ikaw ay alisto . tapos sasabihin wala kang ginagawa bilang ina. Walang sahod may mura o magagalit pa ang anak at asawa kapag hindi masarap ang luto na iyong ihinanda. Hayyyyy kapag lumaki na ang supling na iyong kinandili ,,,ikaw ay susuwagin na akala mo ikaw ang lumabas sa kanila? Ngunit bilang ina patuloy kang aasam na sana magbago din ang lahat , magbabago din ang kanyang ugali , ngunit kalian? Kaya nga may kasabihan tayo na ‘’ Anak na hindi paluin , ina ang patatangisin” Tama naman kase nga sa sobrang pagmamahal natin sa ating mga anak ayaw natin na sila ay masaktan? Kalian lang natin yun makikita ? kapag ito ay sumuwag na… maling Sistema , maling pamamaran ng pagmamahal. Kaya ngayon mga kabataang nagnanais na maging ina , dapat aralin ang pagiging mabuting ina o mapagkndiling ina dahil hindi madaling maging isang ina ng mga supling na suwail at matabil… ako bilang isang ina ng apat na anak , masasabi kong may mali sa aking palaki sa aking mga anak, hindi ako perpekto, may mga anak ako na nanunumbat sa mga bagay na wala akong alam na nakasugat sa kanilang batang puso, nakaapekto sa kanilang pagkatao na ngayon ay patuloy na ihinihiyaw sa akin na ganto ka , hindi ka patas , may kinikilingan ka ,,, kalian kaya yun mababahawi? kalian kaya yun maghihilom ? Alam ko nun tama ako , alam ko nun itutuwid ko ang mali…. Sana hindi pa huli ang lahat sa mga bagay na nagawa ko at nakasugat ng paslit nilang puso na nagtulak siguro para maging mapaghimagsik sila saakin tuwing kami ay magkakaroon ng di pagkakaunawaan. Ina . Ina . Ina iyan ang propesyong mahirap iperpekto kailangan mo ng gabay para maituwid mo ito ng tama…isang ina….. ito ang isang bokasyon na 24/7 ay walang oras na expiration. Dapat 24/ 7 ikaw ay alisto . tapos sasabihin wala kang ginagawa bilang ina. Walang sahod may mura o magagalit pa ang anak at asawa kapag hindi masarap ang luto na iyong ihinanda. Hayyyyy kapag lumaki na ang supling na iyong kinandili ,,,ikaw ay susuwagin na akala mo ikaw ang lumabas sa kanila? Ngunit bilang ina patuloy kang aasam na sana magbago din ang lahat , magbabago din ang kanyang ugali , ngunit kalian? Kaya nga may kasabihan tayo na ‘’ Anak na hindi paluin , ina ang patatangisin” Tama naman kase nga sa sobrang pagmamahal natin sa ating mga anak ayaw natin na sila ay masaktan? Kalian lang natin yun makikita ? kapag ito ay sumuwag na… maling Sistema , maling pamamaran ng pagmamahal. Kaya ngayon mga kabataang nagnanais na maging ina , dapat aralin ang pagiging mabuting ina o mapagkndiling ina dahil hindi madaling maging isang ina ng mga supling na suwail at matabil… ako bilang isang ina ng apat na anak , masasabi kong may mali sa aking palaki sa aking mga anak, hindi ako perpekto, may mga anak ako na nanunumbat sa mga bagay na wala akong alam na nakasugat sa kanilang batang puso, nakaapekto sa kanilang pagkatao na ngayon ay patuloy na ihinihiyaw sa akin na ganto ka , hindi ka patas , may kinikilingan ka ,,, kalian kaya yun mababahawi? kalian kaya yun maghihilom ? Alam ko nun tama ako , alam ko nun itutuwid ko ang mali…. Sana hindi pa huli ang lahat sa mga bagay na nagawa ko at nakasugat ng paslit nilang puso na nagtulak siguro para maging mapaghimagsik sila saakin tuwing kami ay magkakaroon ng di pagkakaunawaan. Ina . Ina . Ina iyan ang propesyong mahirap iperpekto kailangan mo ng gabay para maituwid mo ito ng tama…‘’Igalang mo ang iyong mga magulang” iyon lang siguro ang tama o tumpak!
By: EDIESA P. MENDOZA | Teacher III | BNHS