Is learning can be achieve?

“Ang Kabataan daw ang pag-asa ng bayan” iyan ang sikat na katagang sinabi ng ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal, Dahil ang kabataan daw ang siyang hahalili sa pamumuno sa bayan at may gagampanang mahalagang papel sa pag unlad ng ating pinakamamahal na bayan sa hinaharap. Malinaw sa atin ang gasgas na pangungusap…


“Ang Kabataan daw ang pag-asa ng bayan” iyan ang sikat na katagang sinabi ng ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal, Dahil ang kabataan daw ang siyang hahalili sa pamumuno sa bayan at may gagampanang mahalagang papel sa pag unlad ng ating pinakamamahal na bayan sa hinaharap.

Malinaw sa atin ang gasgas na pangungusap na ito ni Gat. Jose Rizal, lalo nasa mga magulang. Kaya ilan sa kanila o marami sa kanila ay ginagapang sa hirap at nagsusumikap ng husto makapag aral lamang ang kanilang mga anak dahil naniniwala sila na kung ang kanilang mga anak ay makapagtapos ng pag aaral at makahanap ng magandang trabaho ay maiaahon ang kanilang pamilya mula sa lugmok na kahirapan.

Ang tanong, Paano kung ang anak na ito na pinagsusumikapan ay tamad, bulakbol, basagulero at mahina ang ulo na sa tingin natin ay wala ng kapag a pag-asa?Sa madaling salita, salot ng lipunan. Paano na ang sinasabing Pag-asa ng Bayan?Dapat pa ba tau sa maniwala at umasa sa pag-asa ng bayan? May pag-asa pa bang naghihintay para sa hinaharap? Iyan ay ilan lamang sa mga katanungan ng karamihan ngunit may nagsasabi pa ring oo, may pag-asa pa tayong makakapitan dahil hindi pa huli ang lahat, hindi pa natatapos ang kasalukuyan. May magagawa pa tayo para sa kabataang inaasahan nating pag-asa ng bayan.

Kailangan lamang ng pagtutulungan ng mga magulang, mga guro, mga kaibigan, ng paaralan, ng gobyerno at higit sa lahat an gating mga anak na itinuturing nating pag-asa ng bayan. May dalawang punto na maaaring makatulong.

 Una ay strengthening their weaknesses, palakasin ang kahinaan samamagitan ng mga bagay na may kalakasan siya o may interes siya. Oo nga at salot siya ng lipunan at may kahinaan pero may kalakasan din siyang tinataglay, kung sa akademiko ay lubha siyang nahihirapan, bakit hindi natin  pagtuunan ng pansin ang mga bagay na magaling siya na mayroon syang pambihirang kakayahan dahil naniniwala ako na kung saan dun sya malakas at magaling ay dahil andun ang kanyang interes. Maaari nating gamitin ang kalakasan o kakayahan niya upang mapalakas ang mga bagay na kinahihinaan niya.

Pangalawa, encourage rather than discourage. Kung alam nating mahina ang ulo ng isang bata ay huwag na nating ipamuka sa kanya na mahina ang ulo niya at wala nang magagawa para sa kanya. Bakit hindi na lang nating hikayatin siya na kaya niyang gawin ang kayang gawin ng iba. Kung ang bata ay nakagawa ng isang bagay kahit ito pa ay napakaliit na bagay lamang gamit ang kanyang pagsusumikap, purihin natin siya sa mga bagay na pinaghirapan maski napakaliit na bagay lamang.Sapamamagitan nito ay unti unti nating tinatanggal ang kaduwagan na ipakita niya ang mga bagay na kaya niyang gawin. Sabi pa nga ni Robert John  Meehan, “It shouldn’t matter how slowly a child learns as long as we are encouraging them not to stop”.

Kaya tayo bilang guro malaki ang papel na ginagampanan natin sa paghubog sa mga kabataan, pero teka hindi lang kaming mga guro, maging mga magulang, suportahan natin an gating mga anakhindi lang sa pinansyal na pangangailangan kundi sa pagkalinga, pagpapadama ng pagmamahal at paggabay sa kanila. Ang pagkatuto ng isang bata ay hindi nasa iisang tao lamang kundi ito ay nasa kamay ng pagtutulungan ng magulang, guro, gobyerno, paaralan, simbahan at maging mismo ng may katawan. Kung mawala ang suporta ng isa man sa kanila, mahihirapan nating makamit ang pagkatuto ng bata, partners ika nga at masasabi nating “Learning can achieve”.

By: Mrs. Eloida T. Burgos | Teacher III | Sto. Niňo Biaan Elementary School | Mariveles, Bataan