Kung ating alamin ang maikling kwento ni “Juan Tamad”, masasabi natin na sa isang Pilipino o sinumang indibiduwal sa panahon ngayon ay siguradong walang kahahantungang maganda ang ating buhay. Sa mabilis na pagusad ng panahon ay sumasabay din sa pagunlad o paglago ng isang bansa ang pagtaas ng bilihin at kung anu mang pangunahing pangangailangan na hindi natin kayang mapigilan. Kaya ang isang “Juan”, anu nga ba ang isang solusyon o posibleng maging daan para makasabay sa usad ng panahon, walang iba kung hindi ang Edukasyon.
Sa isang hangarin ni Pangulong Aquino, hangad nya na sa darating na taong 2016 ay lahat ng mga batang Pilipino mula Elementarya at Sekondarya ay nagaaral at wala ng Pilipino na hindi nagaaral. Maganda ang hangarin ngunit di po nya makakaya yun kung sya lang, kinakailngan na lahat o bawat isang Pilipino eh makiisa sa hangaring iyon kasama lalo na ng mga magulang.
Sa isang pampublikong paaralan ay di mahirap makapagaral lalo na at wala naming binabayarang Tuition Fee bukod sa ilang miscellaneous na di namn aabot sa P400.00 sa loob ng isang taon. Kung nais po nating makamit ang pangarap ng ating mga anak eh di po sapat na sila ay bigyan lang ng pera sa araw-araw sa pagpasok sa paaralan. Kinakailangan po na kahit papaano sa kabila ng ating pagtatrabaho sa maghapon bilang magulang eh kinakailangan na ating alamin o di kaya’y kumustahin man lang sila sa maghapon ng kanilang pagaaral. Mahalaga po na malaman nila na tayong mnga magulang at buong pusong sumusuporta sa kanila sa kanilang pagaaral para na rin magkaroon sila ng kaisipan na tayo, na magulang, ay interesado sa kanilang kapakanan sa eskwela at sa kanilang pagaaral. Kadalasan po kasi eh akala natin na sapat na bigyan lang sila ng baon at hayaan sa aming mga guro ang pagsubaybay sa kanila, maaring kami ang tumatayong pangalawang magulang nila ngunit mas malaki ang epekto sa mga bata kung mismong mga magulang nila ang nakasubabay sa kanila sa buong panahon ng kanilang pagaaral.
Ang munting pangarap na ito ay kayang-kayang abutin kung magkasabay ng hinaharap ng isang bata at ng kanyang magulang ang hamon ng edukasyon upang maisakatuparan ang kanilang mga mithiin sa buhay. Pagmamahal, pagaaruga at atensiyon ang mga maliit na bagay na kailangan n gating mga anak upang mapagtagumpayan nila ang kanilang mga pangarap sa buhay.
By: Jose Josselle dela Peña | Teacher I | Orani National High School | Orani, Bataan