ISANG PAALALA

Sabi nga, “Values are not taught but caught”. Mahirap ipaintindi sa isang kabataan ang kahalagahan ng kagandahang asal kung sarado naman ang kanyang isip at lalo na ang puso.   Mga anak, kapag ang isang pagkakamali ay naulit, hindi na ito maituturing na isa pang pagkakamali. Isa na itong choice. Isaisip rin palagi na ang…


Sabi nga, “Values are not taught but caught”. Mahirap ipaintindi sa isang kabataan ang kahalagahan ng kagandahang asal kung sarado naman ang kanyang isip at lalo na ang puso.

 

Mga anak, kapag ang isang pagkakamali ay naulit, hindi na ito maituturing na isa pang pagkakamali. Isa na itong choice.

Isaisip rin palagi na ang iyong ipinapakita ay hindi lamang repleksyon ng iyong sarili kundi pati na rin ng mga taong nagpalaki sa’yo.

Sana, wag naman nating piliin na masayang ang pangaral ng sino mang nakatatanda o may awtoridad. Kaya nga pangaral e. Sa bawat pangaral, may aral. Matuto tayo sa ating pagkakamali. Magkaaroon ng disiplina na dapat mag-ugat sa ating mga pagpapahalaga.

By: Mr. Jayremiah C. Gallardo | Teache I | Bataan NAtional HIgh School | Ba;anga City, Bataan