Isang Reaksiyon sa Halimbawang Rubric sa Pagtataya sa Araling Panlipunan sa K-to 12 Curriculum

Sa asignaturang Araling Panlipunan,ang sample rubric ay may anim na kolum na siyang pagbabatayan ng performance ng isang mag-aaral.Ang unang kolum ay para sa Dimensyon para sa kalidad ng Pagpapaliwanag.Ang napakahusay na pagpapaliwanag,buo at maliwanag ay makakakuha ng 5 puntos na siyang pinakamataas.Para sa Katamtamang pagpapaliwanag ay makakakuha naman ng 4 na puntos,para sa 3…


Sa asignaturang Araling Panlipunan,ang sample rubric ay may anim na kolum na siyang pagbabatayan ng performance ng isang mag-aaral.Ang unang kolum ay para sa Dimensyon para sa kalidad ng Pagpapaliwanag.Ang napakahusay na pagpapaliwanag,buo at maliwanag ay makakakuha ng 5 puntos na siyang pinakamataas.Para sa Katamtamang pagpapaliwanag ay makakakuha naman ng 4 na puntos,para sa 3 puntos ang pagpapaliwanag ay kakaunti lamang.Kung may malaking kakulangan,ngunit nagpapakita ng kaunting kaalaman ay makakakuha ng 2 puntos at ang pinakamababang marka ay 1 puntos,para sa mali at kulang ang pagpapaliwanag.Ang una hanggang ika-apat na markahan ay binubuo ng 4 na dimension.Ang Komunikasyon,Mapanuring Pag-iisip,Malikhaing Pag-iisip,Pagpapahalaga at Paglahok.

            Ang Paggamit ng Rubrics sa pagtataya ay isang  makatuwiran at may pagkakapantay-pantay na pagtataya ayon sa leksyon na itataya.Ang mga mag-aaral ay nahihikayat na mag-isip ng may pagka-malikhain at mas malinaw.

            Ang Rubrics bilang pagtataya sa Araling Panlipunan ay nakakatulong upang makapagpahayag ng buong linaw ang isang mag-aaral sa tulong ng mapanuri at malikhaing pag-iisip.Ganoon din naman nauunawaang mahusay o nakapaghihinuha ng buong linaw.

            Isang malinaw na tanda na ang K-to 12  Curriculum ay pinaghandaan ang iba’t-ibang detalye mula sa leksyon,mga kagamitang pampagtuturo,oras,guro,mga aklat at iba pang reference materials,pagkuha ng honor pupils,paggawa ng teaching guide at pang araw-araw na banghay aralin,at lalong-lalo na ang mga paraan sa pagtuturo at pagtataya sa itinuro.

By: Gemma V. Sale | T-II | MARIVELES NATIONAL HIGH SCHOOL-CABCABEN