Ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ay patuloy na nagtataguyod ng kaligtasan at mahusay na kalusugan para sa lahat ng mag-aaral, ayon sa kanilang misyon na nagsasabing, “ang mga estudyante ay natututo sa isang environment na child-friendly, gender-sensitive, ligtas, at nakaka-engganyo.” Subalit, tila may mga taong hindi nagbibigay ng sapat na pansin sa aktwal na kalagayan sa loob ng mga paaralan at hindi nakikinig sa mga panawagan ng mga magulang, guro, at ilang mambabatas na ibalik ang orihinal na petsa ng pagsisimula at pagtatapos ng klase.
Dahil sa pandemya, nailipat ang pagbubukas ng klase sa Agosto, ngunit ngayon na unti-unting bumabalik sa normal ang sitwasyon, maraming tao ang naniniwala na dapat ibalik ang face-to-face classes sa dating iskedyul. Ito ay upang maiwasan ang mga sakit na dulot ng labis na init sa mga silid-aralan, na nagiging sanhi ng mga problemang tulad ng ubo, heat exhaustion, heat stroke, dehydration, at pagdurugo ng ilong sa mga mag-aaral.
Bagaman tumutulong si Senator Win Gatchalian na ibalik ang klase sa dati, pinaalalahanan siya ng Teacher’s Dignity Coalition (TDC) na hindi madaling baguhin ang school calendar. Ayon kay TDC Chairperson Benjo Basas, dapat ay hindi maging problema ang pagpasok ng mga estudyante sa panahon ng tag-init dahil may mga paraan upang masolusyunan ito, tulad ng pagdagdag ng electric fan o air conditioning at pagpapabuti ng bentilasyon sa mga silid-aralan.
Gayunpaman, kung ang sanhi ng sobrang init at tagtuyot ay natural na phenomena tulad ng El Niño, mahirap itong kontrolin. Ang labis na init ay hindi lamang nagdudulot ng pisikal na discomfort, kundi nagiging sanhi rin ng emosyonal na stress at iritasyon sa balat. Ito rin ay nagiging dahilan ng pagliban ng mga mag-aaral sa klase, na nagreresulta sa pagbaba ng kanilang marka sa iba’t ibang asignatura.
Dahil dito, naglabas ang DepEd ng panukala na iwan sa mga pamunuan ng paaralan ang desisyon kung sususpindihin ang in-person classes at lilipat sa Alternative Delivery Mode o blended learning para sa natitirang buwan ng klase. Maraming estudyante ang umaasa na ang desisyong ito ay makakatulong sa kanila. Umaasa ang lahat na masusing pag-aaralan ng DepEd ang kanilang mga susunod na hakbang upang matiyak ang kapakanan ng mga Pilipino at maisakatuparan ang kanilang misyon sa edukasyon.
Pinangunahan ang programa ng Principal na si Gng. Lisa G. Austria at Assistant Principal na si G. Randy N. Tallorin, kasama ang mga DepEd Administrative Assistant (ADAS) at mga utility staff.
Ang aktibidad ay nagsimula sa “Parade of Colors” na nilahukan ng Purple Team, Red Team, Yellow Team, at Green Team. Pagkatapos ng parada, isinagawa ang kompetisyon para sa Best Muse at Best Yell/Cheer. Pinagpawisan ang mga muse ng bawat team dahil sa mga mahihirap na tanong mula kay Master Teacher I, Gng. Rosita B. Forbes. Nosebleed ang mga kalahok dahil kinakailangan nilang sumagot ng Ingles sa Q&A portion. Hiyawan ang mga manonood habang sumasagot ang mga kalahok, at lahat ay sabik na marinig ang mga sagot ng bawat isa.
Pagkatapos ng mga paunang aktibidad, sinimulan ang Sportsfest proper. Ang lahat ng manlalaro ay nag-warm up muna bago simulan ang volleyball. Narito ang mga resulta ng mga aktibidad sa Sportsfest: Best in Muse ay ang Blue Team, Best in Yell/Cheer ay ang Green Team, at ang Champion sa volleyball ay ang Yellow Team.
Kahit pagod, lahat ay nag-enjoy sa nasabing Sportsfest. Ang mga guro ay narecharge ang isip at katawan, at nagkaroon muli ng sigla at lakas para sa kanilang muling pagtuturo.