ISIPIN MO LANG!

Anuman ang pinagdadaanan mo ngayon sa trabaho, gaano man ito kabigat. Isipin mo lang… MERON TAYONG MAKAPANGYARIHAN AT MABUTING DIOS  Pwede kang magkaroon ng malawak na pangitain sa trabaho, negosyo at kinabukasan mo dahil mayroon tayong Diyos na makapangyarihan, tapat at mabuti. Walang kaparis at walang kapantay ang Diyos. His plans for you are good…


Anuman ang pinagdadaanan mo ngayon sa trabaho, gaano man ito kabigat. Isipin mo lang…

  • MERON TAYONG MAKAPANGYARIHAN AT MABUTING DIOS

 Pwede kang magkaroon ng malawak na pangitain sa trabaho, negosyo at kinabukasan mo dahil mayroon tayong Diyos na makapangyarihan, tapat at mabuti. Walang kaparis at walang kapantay ang Diyos. His plans for you are good and the destiny that He has for each one of us is great. Kung mangangarap ka na rin lamang, lakihan mo na. Think ang dream big because you have a big God.

  • MAHAL KA NG DIYOS AT PALAGI KA NYANG PAGPAPALAIN

 Huwag mong mamaliitin ang iyong sarili dahil sa mata ng Diyos ikaw ay mahalaga. He has blessed you with what you need to overcome the challenges that you are facing. Huwag mong maliitin ang iyong kakayahan dahil sa problemang iyong kinakaharap. Kung ikaw ay mayroong competition na sasalihan, hindi ka magfo-focus sa kung gaano kahusay ang kalaban mo. Ang pagtutuunan mo dapat ng pansin ay ang hasain pang higit ang kakayahan at kahusayan na taglay mo.

  • MAGIGING OKAY DIN ANG LAHAT

 Isa sa mga epekto ng problema sa atin ay pinalalaki nito ang suliranin na parang wala ka ng mahahanap na solusyon. Counter that way of thinking by being positive even in difficult times. Malaki ang maitutulong ng pagtuon sa salita ng Diyos lalo na kung may pinagdaraanan kang pagsubok. God’s Word instructs, inspires and gives hope. God’s Word should be the biggest influence in the way we think and conduct our lives.

Malaki ba ang mga hamon na iyong haharapin ngayon? Isipin mo lang na meron tayong mabuting Diyos, Mahal nya tayo at palagi nya tayong pagpapalain.

By: Rommel Quimlat | Bataan National High School


Previous