Isyu tungkol sa Public Display of Affection ng mga Kabataan

Public Display of Affection o PDA, paghahayag ng pagmamahalan ng dalawang tao gamit ang kanilang mga kilos sa mga pampublikong lugar. Ito ay laganap sa ibang bansa lalo na sa Kanluran. Ito ay kasama na sa kanilang kultura at karaniwan na itong nasasaksihan sa pang-araw-araw na pamumuhay. Hindi ito parte ng kulturang Pilipino, subalit unti-unti…


Public Display of Affection o PDA, paghahayag ng pagmamahalan ng dalawang tao gamit ang kanilang mga kilos sa mga pampublikong lugar. Ito ay laganap sa ibang bansa lalo na sa Kanluran. Ito ay kasama na sa kanilang kultura at karaniwan na itong nasasaksihan sa pang-araw-araw na pamumuhay. Hindi ito parte ng kulturang Pilipino, subalit unti-unti na itong nakikita sa mga kabataan sa henerasyon ngayon. Maaring dahil ito sa impluwensya ng mga dayuhan na lalo pang napapalala ng media. Nakakagulat na kahit saan magpunta ay mayroong mga tao na gumagawa ng mga bagay na kumukuha sa atensyon ng taong-bayan. May mga kabataan na walang pakialam sa mundo o di kaya ay “open-minded” pagdating sa PDA at iyong masasabing nasa high degree of intimacy na ang ipinapakita sa publiko. Tila exhibitionism na ang performance at hindi naiisip na maaaring may naaasiwa o nalalaswaan na sa kanilang ginagawa.

            Ayon kay David Allyn 2009, sumulat ng Make Love, Not War: the Sexual Revolution, lumaganap ang PDA sa Amerika noong panahon ng ‘sexual revolution’. Ang kolonyalismong Espanyol ay humubog ng isang solidong konsepto ng moralidad sa kulturang Pilipino. Hanggang ngayon, maituturing na matibay pa rin ang hawak ng Kristiyanismo at ang mga kaakibat nitong paniniwala sa buhay ng mga Pilipino, lalo na sa kanayunan. Bagamat ang moralidad na ito ay impluwensiya ng Kristiyanismo, lubusan na itong naikabit sa kulturang Pilipino kaya’t masasabi ring ang PDA, bilang isang bagong cultural phenomena sa Pilipinas, ay hindi na likas sa konserbatibong kultura ni Juan dela Cruz. Sa aktong PDA, nagkakaroon ng akses ang isang indibidwal sa pisikal/sexual, emosyonal at sikolohikal na espasyo sa kanyang karelasyon. Ang ganitong kalalim na koneksyon sa isang relasyon ay natural (Sigmund Freud 1905). Samakatuwid, sa paglaganap ng penomenang PDA, unti-unting nalulundagan ang mga limitasyong nailatag ng moralismong Kristiyano.

Ang PDA, ayon kay Wu (2008), “ay ang namamagitan sa dalawang tao na kumukuha sa atensyon ng publiko dahil sa kanilang ginagawa. Ito ay maaaring isang bulong lang, paghawak ng kamay o ang paghawak sa iba pang bahagi ng katawan.” Sa maikling salita, ang PDA ay isang gawain ng kahit sino mang tao (babae sa lalake, lalake sa babae, babae sa babae atbp.) na kumukuha ng atensyon ng publiko. Ito ay walang pinipiling lugar at oras. Sa katunayan, ang PDA ay isang talamak na sitwasyon sa Pilipinas. Parang mga asong umiihi sa kanilang teritoryo ang mga lovers ngayon, lahat ay nag-aagawan ng espasyo para sa kanilang ‘kiss-sabay-hug moment’, ang HHWW (holding hands while walking). Sa geo-politikal na aspeto pa lang, makikitang ang PDA ay nagpapakita ng pagbabagong kultura ng kabataang Pilipino. Ang ibang tao ay nagugulat dahil kahit ang mga kabataan ay nakikitang gumagawa ng mga bagay na hindi naman dapat makita sa pampublikong lugar.

Maraming halimbawa ang PDA, ito ay maaaring paghawak lang ng kamay, pakikipaghalikan o kung ano pa man. Ang Public Display of Affection ay mailalarawan bilang isang pagpapakita ng paglalambing sa mga lugar na pampubliko ng  dalawang taong may pagkalinga at pagmamahal sa isa’t isa. Ang mga paglalambing na ito’y maaring ang simpleng pagyakap ng isang ina sa kanyang anak o hindi kaya’y ang paghawak-kamay ng dalawang magkaibigan. Subalit, kadalasan nakikita ng nakararami ang PDA sa sexual na konteksto. Ang paghahawak-kamay, pagyayakapan, petting at paghahalikan ay mga uri ng paglalambing na nakikita bilang PDA.”(Jameson n.d).

Mabilis at radikal ang pagbabagong konsepto ng moralidad sa Pilipinas, lalung-lalo na sa urban. Hindi na maitatatwa na natutunan ng bagong henerasyon ang moralidad na ito sa walang humpay na pagkababad sa media (Jensen 2003). Dahil sa panoorin narin satelebisyon, mga exposures sa vcd/dvd, at iba pang uri ng media, mas experimental na ang mga kabataan sa PDA. Ang pagpapakita ng apeksyon ay lubos na hindi na kaaya-ayang masaksihan sa mga pampublikong lugar, lalo na kung nagmumula sa mga kabataan. Ang PDA, sa huli, ay hindi maituturing na isang mapagpalayang penomenon kung sa usapin ng pagpapalayang sikolohiya at sekswalidad ng mga Pilipinong kabataan. Ang ganitong set-up ay impluwensiyado pa rin ng dayuhang kultura at nakapaloob pa rin sa mas makapangyarihang pwersa ng globalisasyon.

By: Maureen M. Tacazon