Gusto mo bang magkaroon ng magandang impact sa inyong opisina? ITODO MO NA!. Paano ka magiging iba?
BE POSITIVE.
May nagsabing, “Bad things are often good things looked at from the wrong perspective.” Kung positibo ang pananaw mo sa buhay at sa trabaho, kahit na crisis may nakikita ka pa ring opportunity. Kahit sa problema, may nakikita kang pagpapala. Such is the power of being positive. Ang mabuting pananaw ay nakapagpapabago ng iyong reaksyon kahit sa pinakamabigat na pagsubok na haharapin mo.
LIVE TO LEAVE A LEGACY.
Hindi ba’t masayang isipin na kahit retired ka na sa iyong trabaho, naaalala pa rin ng inyong kumpanya ang naging contribution mo because you didn’t just do your job, you left a lasting legacy. Ang sabi ni LeBronne James, “Dream as if you will live forever and live as if you’ll die today.” Ang magandang legacy ay kabuuan ng tama, mabuti at magandang pasyahin na iyong inaksyonan araw-araw. Making the right choices and living them out consistently help you build a good legacy.
AIM TO EXCEL.
If you want to offer work that makes an impact, maging ubod husay sa iyong trabaho. Hindi ito madali, excellence requires going the extra mile not once but always. Mapapagod ka na rin lang sa trabaho, hindi ba mas maganda ng mayroon ka talagang pinagtrabahuhan at hindi nagbusy-bisihan lang? Ang mahusay natatandaan. Ang excellent binabalikan.
TRUST GOD.
Di maiiwasan na minsan tayo ay nagkakamali at nakagagawa ng mga desisyon na hindi mo maintindihan kung bakit yun ang iyong napagpasyahan. Matalino ka naman! Pero talaga namang ang husay at kakayahan ng tao ay may hangganan. We cannot rely on our own strength, because surely we will get tired. Hindi naman natin maasahan ang karunungan lamang natin, dahil tiyak namang marami pa tayong hindi nalalaman. God is the only one worthy of our 100% trust because He is all-knowing, all-powerful and ever-present. Ang magtiwala sa Diyos ang susi ng trabahong panalo. Kaya itodo mo na!
By: Rommel Quimlat | Bataan National High School