Dalawang dekada na ang lumipas, Bigla kayong nagparamadam,
Akala ko limot na Ninyo gurong tagapayo 20 years ago.
Sa isip at puso ko nirecall ko kau, kayo pala ang IV-12 ko noong 2002,
Masasaya at malulungkot na lumipas , aking naalala, nagsilbi pala
akong inyong pangalawang ina, dahil sa mga natutunan Ninyo sa aking pangangalaga,
ay labis akong natuwa dahil naging bahagi ako ng inyong buhay.
Sa mga kwento Ninyo noong tayo ay nagkita kita, mga papuri Ninyo ay tunay na
Nakatutuwa at nakatataba ng puso ,di ko inaasahan na ito ay mamumutawi
sa inyong mga labi at alam ko ang mga salitang iyon ay nagmula sa inyong puso.
IV-12 iba kayo sa mga nagdaang estudyante ko, bukod tanging kayo ang nakaalala sa
Gurong tagapayo Ninyo. Malalambing pa rin kayo sa kabila ng tagumpay na tinatamasa
Ninyo sa panahong ito. Mga responsableng tao na ng lipunang ginagalawan Ninyo at tunay
na mapagmahal sa pamilya at ibang tao. Pagpapakumbaba ay nandyan pa rin sa pagkatao
ng bawat isa , na tunay na ipinapakita kahit na pinagpala na. Kapuri-puri kayo sa
pagbabahagi ng inyong 3 T’s: Talents, treasure at Time. Kahit gaano kayo kabusy sa pamilya
at trabaho , nakakapagbonding pa rin kau sa batch Ninyo.
By: Enriqueta G. Uman|Teacher III|Olongapo City National High School | Olongapo City