Bago natin simulan ang pagpasyal sa mga iba’t ibang lugar ngayon bakasyon day dapat nating din ikonsidera ang mga sakit na maaari nating makuha mula sa sobrang pagbilad natin sa araw habang naglilibang. Huwag nating balewalain ang mga ganitong sakit at alaamin ang mga sintomas upang maagapan natin bago pa lumala.
Sore Eyes
Ito ay ang pamumula at pamamaga ng mga mata. Ito ay dulot ng impeksiyon, bacteria o kaya kemikal. Maaari mahawa ang isa sa pamamagitan ng paghawak sa mata o muta ng isang taong may sore eyes at ipahid sa sariling mata. May tsansang mauwi ito sa pagkabulag kapag hindi ito naagapan.
– Huwag maglagay ng kahit anu sa mata tulad ng eye drops na walang pahintulot ng doctor.
– Ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig.
– Iwasan ang pagkusot sa mata gamit ang kamay.
Ubo at sipon
Maaari din magkaroon ng ubo at sipon kahit tag-init dahil sa mga biglaang pag-ulan sa iba’t ibang lugar dulot na rin ng sobrang init ng panahon.
– Ugaliing uminon ng 8 hanggang 12 baso ng tubig araw-araw.
– Palaging maghugas ng kmay ganit ang sabon at tubig upang mamatay ang mga mikrobyo
– Matulog ng sapat na oras
Pagtatae at pagsusuka
Sa bawat pasyalan na ating pupuntahan ay hindi maiiwasang magdala ng pagkain. Ngunit dapat nating alalahanin na maaaring mapanis ang mga pagkaing ito dahil sa init na panahon. Kapag ito ay kinain ay maaaring magdulot ng pagtatae o pagsusuka.
– Mag-ingat sa mga street foods at sa mga dalang pagkain na madaling mapanis.
– Palaging magdala ng gamot upang kung sakaling naramdaman ang sintomas ay maaagapan ito bago pa lumala.
Sunburn
Labis na pangingtim ng balat o pagkasunog sa labis na pagbilad sa araw. Ito rin ay maaaring magdulot ng pangungulubot ng balat o kaya naman, skin cancer.
– Maglagay ng sunblock kalahating oras bago magbilad sa araw. Siguraduhing epektibo ang sunblock na gagamitin niyo.
– Iwasang magbilad sa araw mula 10 ng umaga hanggang 3 na hapon.
– Magsuot ng mga damit na pwedeng magprotekta ng inyong balat.
Sakit sa balat
Ito ay mas madalas lalo na tuwing tag-init at sa mga lugar na may mahinang suplay ng tubig.
– Ugaliing maligo araw-araw.
– Maligo na maayos bago at pagkatapos maligo sa swimming pool.
– Huwag umiihi sa swimming pool.
Kagat ng Aso
Ang kagat ng aso ay maaaring mauwi sa rabies kapag hindi nahugasan at nalinis ng tama. Sa kasalukuyan ay nasa top 10 ang ating bansa na may malalang problema sa kagat ng aso.
– Siguraduhing napabakunahan ang lahat ng alagang aso.
– Kung sakaling nagtamo ng mababaw na sugat dahil sa kagat ng aso, hugasang mabuti gamit ang sabon at tubig.
– Kapag malalim ang sugat, agad pumunta sa pagamutan o center upang mapabakunahan laban sa rabies.
By: Alain T. Morales