“ANG edukasyon ay maihahalintulad sa isang binhi ng halaman na dapat nating alagaan upang magbunga.”
Pormal na inilunsad ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kaakibat ang Department of Education (DepED) na dagdagan ng dalawang taon ang basic education curriculum sa bansa. Plano nilang isulong ang programang “kinder plus 12 years o K + 12”, na naglalayong sa taong 2015, wala ng mga bata pa na nasa kalsada. Dapat silang lahat ay matuto upang balang araw ay magkaroon ng kontribusyon tungo sa pag-unlad ng bansa.
Ayon kay Secretary Armin Luistro, ang karagdagang dalawang taon ay makakatulong sa mga magaaral na magdesisyon kung ano ang kursong kanilang kukunin pagtungtong ng kolehiyo.
Binase ang programang ito sa nagging resulta ng nasabing pag_aaral ng Trends in International Mathematics and Science Study (TIMSS) noong 2003; Ang Pilipinas ay pang-34 sa 38 bansang sumali sa HS II Matematika at pang-43 sa 46 bansa sa HS II Agham; para sa ikaapat na baitang, ang Pilipinas ay pang-23 sa 25 bansang sumali sa Matematika at Agham. Noong 2008, kahit mga pang-Agham na paaralan na para sa sekondarya ang sumali sa kategoryang Advanced Mathematics pinakamababa ang puwesto ng Pilipinas.
Planong ipatupad ng DepEd ang nasabing programa sa taong 2010 sa Grade 1 at sa unang taon ng mataas na paaralan. Ngunit iilan lamang ang pomapabor sa pagpaplanong ito, karamihan sa mga mahihirap ay matindi and hinaing dahil sa dagdag pasanin ang panahon na gugulin nila sa loob ng dalawang taon imbes na kumikita na sana ang kanilang mga anak.
Gayumpaman, ang DepEd ay pinaninindigan ang kanilang desisyon na kailangan ng mga mag-aaral ang karagdagang 2 taon upang may kakayahan tayong makipagsabayan sa ibang bansa.
By: Mrs. Ofelia B. Reyes/ TeacherIII / Limay National HIghschool