K-12: Pagbubukas ng Isang Pinto sa mga Kabataang Nahihilig sa Sports.

Kapag tinanong mo ang isang pangkaraniwang kabataan kung ano ang nais niyang maging propesyon sa kanyang pagtanda, marami ang sa kanila ay magsasabing nais nilang maging guro, abogado, inhinyero at doktor. Mayroong ilan  na maaaring tumugon na nais nilang maging pulis, bumbero, accountant o businessman. Ngunit hindi mo agad aasahan na mayroong sasagot sa tanong…


Kapag tinanong mo ang isang pangkaraniwang kabataan kung ano ang nais niyang maging propesyon sa kanyang pagtanda, marami ang sa kanila ay magsasabing nais nilang maging guro, abogado, inhinyero at doktor. Mayroong ilan  na maaaring tumugon na nais nilang maging pulis, bumbero, accountant o businessman. Ngunit hindi mo agad aasahan na mayroong sasagot sa tanong na ito na nais niyang maging isang fitness instructor, professional coach o kaya ay atleta.

Dalawang Kwentong Pangarap at Kapalaran

Sa loob ng mahabang panahon, marami sa atin ang iniisip na ang mga kursong nabanggit ay hindi maaaring maging isang propesyon. Marami sa atin ang hindi sumagi sa isipan na may karera sa nabanggit na larangan. Maging ako, hanggang sa makilala ko sina Joseph at Luis.

Si Joseph ay bahagi ng mga atleta sa basketbol na inilalaban ng kanilang paaralan sa mga palakasan. Siya ay madalas na nagbabalanse ng kaniyang oras sa pag-aaral at pag-eensayo sa basketbol.  Kapansin-pansin ang kakaiba niyang saya kapag siya ay nasa training o kaya ay naglalaro na sa court. Pangarap niyang maging isang propesyunal na manlalaro ng basketbol. Ngunit, dala ng pagiging praktikal sa buhay sa karaniwang pananaw ng ating mga Pilipino na walang karira sa sining o sa sports, nauwi siya sa pagkuha ng ibang kurso.

Si Luis ay nagtapos ng kaniyang kurso na Computer Programming. Kasalukuyan siyang nag-aapply sa pagka-guro nang aking makilala. Sa aming pag-uusap ay nabanggit niya na nahihirapan siyang maghanap ng trabaho dahil hindi niya talaga gusto ang kaniyang kurso. Susubukan niya lamang ang kanyang kapalaran sa linya ng pagtuturo sa mataas na paaralan. Bata pa lamang daw siyang mamulat sa kahalagahan ng mabuting pangangatawan at kalusugan. Ang totoo ang nais niya ay ang maging isang fitness instructor. Ngunit ayon sa kanya, walang puwang ang pangarap sa pangangailangang dala ng buhay-  ang pagkakaroon ng trabaho na makapagbibigay ng ipangtatataguyod sa pamilya.

Malapit sa mga kwento ng buhay nina Joseph at Luis ang maraming mga kabataang Pilipino ngayon. Nauwi sila sa pagkuha ng kurso na inakala nilang magiging paraan upang matupad ang pangarap na kaalwanan sa buhay. Ito ay sa kabila ng ating paniniwala na ang tunay na tagumpay sa buhay ay ang pagtupad sa pangarap at maging maligaya.

By: Heidi C. Alvarez