Sinimukan na ng pamahalaan ang pagpapairal ng K-12 Program sa buong bansa ngayong pasukan bilang hakbang sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.
Ang Republic Act No. 10533 o mas kilala bilang K-12 Law ay naglalayong magdagdag ng dalawang taon sa high school na tatawaging Senior High School kumpara sa sampung taong pag-aaral sa dating kurikulum.
Pangunahing mithiin ng batas na ito na maihanda ang kabataang Pilipino sa hamon ng globalisasyon.
Ayon pa kay Pangulong Benigno Aquino III, “Sa pagsasabatas ng K-12, hindi lang tayo nagdaragdag ng dalawang taon para sa higit pang pagsasanay ng ating mga mag-aaral; tinitiyak din nating mabibigyang-lakas ang susunod na henerasyon na makiambag sa pagpapalago ng ating ekonomiya at lipunan.”
Inaasahan naman ng pamahalaan at ng mga mamayang Pilipino ang magandang resulta ng pagsasakatuparan ng batas na ito.
By: Charms D. Repol