K TO12 – PANIBAGONG PROGRAMA SA ATING EDUKASYON

Ang K to 12 ay programa ng Deped na naglalayong ipatupad ang Kindergarten at 12 years ng basic education 0 and  6 years primary education, 4 years ng Junior High School (SHS) upang mabigyan ng sapat na panahon ang mastery ng concepts at skills, at  para maihanda ang mga estudyante para sa kolehiyo o tertiary…


Ang K to 12 ay programa ng Deped na naglalayong ipatupad ang Kindergarten at 12 years ng basic education 0 and  6 years primary education, 4 years ng Junior High School (SHS) upang mabigyan ng sapat na panahon ang mastery ng concepts at skills, at  para maihanda ang mga estudyante para sa kolehiyo o tertiary education, middle-level skills development, employment at entrepreneurship.

Ang Universal Kindergarten ay nagsimula noong SY 2011-2012.  Ang grade 1 ng 2012-2013 ay ang unang grupo ng K to 12 pati na ang grade 7 ng taong ito.  Ang grade 11 ay magaganap sa SY 2016-2017 at ang grade 12 naman ay sa SY 2017-2018.  Ang unang grupo ng High school ng K to 12 ay magtatapos sa March 2018.

Lahat ng mga batang Pilipino ay makapag-aaral na ng libre sa ilalim ng K to 12 program na kung saan lahat ng batang limang taong gulang ay puwede ng pumasok sa Kindergarten.  Ayon sa pag-aaral ang mga batang dumaan sa Kindergarten ay may mas mataas na tiyansang makapagtapos ng pag-aaral at sila ay mas handa para sa primary education o elementary.  Dito ay natututo sila ng alpabeto, numero, hugis, at kulay sa pamamagitan ng kanta, sayaw at Mother Tongue.

Ang mga asignatura ay itinuturo mula sa pinakasimple hanggang sa mahirap na konsepto sa pamamagitan ng spiral progression.  Sa elementary ang mga bata ay natututo ng Biology, Geometry, Earth Science, Chemistry at Algebra.  Ito ay nakatutulong upang matutunan nila ng maayos ang mga susunod na mas mahirap na asignatura.

Noong mga nakaraang taon ang Bilology ay itinuturo lamang sa 2nd year, Chemistry ay sa 3rd year, at Physics ay sa 4th year.  Sa K to 12  lahat ng ito ay konektado mula sa grade 7 to 10.  Ang paraang ito ay ginagawa din sa ibang asignatura katulad ng Mathematics.

Ang Senior High School naman ay dalawang taon ng specialized upper secondary education.  Ang mga estudyante ay pwedeng mamili ng kanilang specialization base sa kanilang interes at kapasidad ng eskwelahan.

Mayroong pitong Learning Areas ang Core Curriculum ng K to 12 SHS.  Ang mga ito ay Languages, Literature, Communication, Mathematics, Philosophy, Natural Sciences, at Social Sciences.  Ang bawat estudyante sa Senior High School ay pwedeng mamili sa tatlong Tracks:  Academic, Sports and Sciences (HESS);  at Science, Technology, Engineering, Mathematics (STEM).

Kaalinsabay nito ay maaari silang magtrabaho habang nag-aaral sa earn-while-you-learn opportunities para sa kanilang exposure at actual experience sa kanilang napiling track.  Pagkatapos nila ng grade 10 ay maaari na silang makakuha ng Certificates of Competency (COC) o National Certificate Level 1 (NC 1).  Pagkatapos nila ng Technical-Vocational-Livelihood track sa Grade 12 ay puwede na rin silang makakuha ng National Certificate Level II (NC II) kung siya ay nakapasa sa pagsusulit ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.  Ang NC I at NC II ay nakatutulong upang makakuha ng trabaho lalo na sa sektor ngAgriculture, Electronics at Trade.

Noong SY 2012-2013 mayroong 33 public high schools, public technical-vocational schools, at higher education institutions (HEIs) na nagpatupad ng Grade 11.   Ang uri ng programa na ipatutupad ng eskwelahan ay base sa interes ng mga mag-aaral, pangangailangan ng komunidad, at ang kakayahan ng eskwelahan.

Pagkatapos ng Kindergarten, enhanced Elementary at Junior High School Curriculum at specialized Senior High School program,  lahat  ng nagtapos ng K to 12 ay handa ng tahakin ang edukasyon, trabaho o pagnenegosyo.  Sila ay magkakaroon ng kaalaman sa information, media and technology skills, learning and innovation skills, effective communication skills at life and career skills.

By: MARITES T. DOMINGO | Teacher III | Limay National High School Limay, Bataan