Kabataan: Pag-asa ka nga ba ng Bayan

“Ang mga kabataan ngayon ay ibang-iba kaysa sa mga kabataan ngayon ay ibang-iba kaysa sa mga kabataan noong aking panahon.” Iyan ang karaniwang sambit ng mga nakatatanda ngayon.  Ayon sa kanila, nagkakaroon ng pagbabago sa bawat henerasyon.  Tila sumasabay sa pag-ikot ng mundo ngunit kaiba na talaga ang ipinagbago ng mga kabataan ngayon.  Noon, hindi…


“Ang mga kabataan ngayon ay ibang-iba kaysa sa mga kabataan ngayon ay ibang-iba kaysa sa mga kabataan noong aking panahon.”

Iyan ang karaniwang sambit ng mga nakatatanda ngayon.  Ayon sa kanila, nagkakaroon ng pagbabago sa bawat henerasyon.  Tila sumasabay sa pag-ikot ng mundo ngunit kaiba na talaga ang ipinagbago ng mga kabataan ngayon.  Noon, hindi maaring makapagsalita ng pabalang ang mga kabataan.  Taglay nila ang malaking respeto sa mga nakatatanda pati na sa mga nakababata.  Pinahahalagahan ang kanilang edukasyon.  Magsisikap upang maabot sa kanilang pangarap sa kabila ng hirap. 

Subalit gaya ng pagbabago ng panahon, kabaligtaran ng mga ilang kabataan ngayon na kung saan taglay na nila ang yaman upang makapag-aral, sila pa ang pabaya.  Higit na marami ang programa ng pamahalaan ngayon upang higit na maging maayos ang pag-aaral ng mga tinagurian nating pag-asa ng ating bayan ngunit sila ay nakakalimot sa tungkulin nila bilang isang mamamayan.  Bagkus, marami sa kanila ang nabubuyo sa masamang bisyo kaalinsabay rin ng sobrang pagkalulong nila sa hindi wastong paggamit ng teknolohiya na nakasasagabal na sa kanilang pag-aaral.  Hindi rin wasto ang paggalang sa mga nakatatanda maging sa kanilang mga kaedaran. 

Higit ding nakalulungkot na marami sa ating mga kabataan ang nagsasalita ng hindi maganda laban sa kanilang kapwa na hindi naman nila batid ang tunay na kahulugan nito.

Naririnig at natutunan lamang nila ito ng ilan ding nakatatanda na kung mamalasin, hanggang sa sila’y maging responsableng mamamayan, marahil hindi na nila ito maiaalis.

Marapat lamang din na maging maayos ang mga matatanda dahil sila naman ang tinutularan ng mga bata.  Maging responsableng role model ‘ika nga.

Kung tutuusin, may maliit lamang na puwang sa pagkakalayo sa kilos, gawi, ugali, pananamit, damdamin at iba pang bagay ang mga kabataan noon sa ngayon.  Ang mga kabataan noon ay higit na magalang, masunurin at mabait hindi tulad ng mga kabataan ngayon.  Lubhang taimtim sa puso’t isipan nila ang kanilang ginagawa; sa kabilang dako, ang kabataan ngayon ay may mapagwawalang-bahalang saloobin.  Lalong masinop sa pag-aayos ng katawan at pananamit at lubhang matapat sa pagsunod sa batas ang mga kabataan noon, kaya wika nga, ang kabataan noon ay hubog sa pangaral at kababaang-loob at ang asal ay ipinagmamalaki ng lahat.  Kaiba naman ang mga kabataan ngayon.  Mulat sila sa makabagong panahon kaya higit na maunlad sa pangangatwiran na kung magkaminsan ay napagkakamalang pagwawalang-galang sa kapwa.  Lubhang mapangahas sa mga gawin at mahilig sa maraming uri ng paglilibang.  Napakatayog ng mga mithiin nila at higit na maunlad ang tunguhin.

Marami rin ang magkasimbat at magkasinsipag sa mga kabataan noon at ngayon ay parehong pag-asa ng ating bayan.  Kapwa sila makabayan, mapagmahal, matulungin sa mga kaangkan at may mga mithiin sa buhay.  Ang pagkakaiba ay ayon sa lakad ng panahon.

By: Jo-Ann A. Zausa | Teacher I | Mariveles National High School-Cabcaben | Mariveles, Batan