Kabataan sa Makabagong Teknolohiya

Tayo ngayon ay nasa panahon Z na kung saan ang teknolohiya at siyensa ay bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay. Ika nga, tayo ay nasa modernong panahon at kinakailangang makisabay upang hindi mapag-iwanan. Subalit kailangan din tandaan na higit lalo ng mga kabataan ang pagsabay sa “uso’o in sa lipunan. Ngunit, ito ang panahonna kung…


Tayo ngayon ay nasa panahon Z na kung saan ang teknolohiya at siyensa ay bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay. Ika nga, tayo ay nasa modernong panahon at kinakailangang makisabay upang hindi mapag-iwanan. Subalit kailangan din tandaan na higit lalo ng mga kabataan ang pagsabay sa “uso’o in sa lipunan. Ngunit, ito ang panahonna kung saan sisimulan hubugin ang mga sarili tungo sa magandang hinaharap kaagapay ang teknolohiya.

Nasa bagong henerasyon na tayo, patungo sa bagong siglo. Ngunit huwag nating kalimutan ang mga kaugalian ating kinagisnan, bagkus higit pa nating pahalagahan ang mga kalakarang ito na kung saan dito tayo nakilala ng mga taga-ibayong dagat. Kailangan pa rin igalang ang mga nakatatanda sapagkat mas higit pa rin ang kanilang karanasan at kaalaman. Nasa makabagong panahon na nga tayo pero,hindi nating pwedeng kalimutang ang mga kaugaliang ito. Huwag gayahin ang iba na nawala na ang kagandahang-asal at tamang katwiran dahil ito ay nagpapakita ng kawalan ng respeto sa kapwa at sa ating mga sarili.

Hindi masama ang pagbabago, lalo na sa kalakaran ng buhay dahil kailangan ng bawat isa ang umayon sa makabagong takbo ng pamumuhay ngayon kasama ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya na nagpapadali sa mga gawain sa araw-araw. Malayo na ang ating nalalakbay kabataan, pero huwag tayo magpapasailalim ng mga makabagong kagamitang ito. Oo, napakalaki ng kaluwagan na naitutulong nito sa atin, ngunit ito ay may kaakibat na responsabilidad na nakaatang sa ating mga balikat. Maging responsable tayo sa paggamit nito, dahil kung hindi tayo rin ang magiging kawawa at apektado. Kailangan ang sumabay sa pagbabago pero manindigan tayo kung ano ang tama at matuwid upang di tayo magsisi sa huli.

Ang pagbabago tungo sa kabutihan ng nakakarami ay kailangan natin. Ito ang matagal ng pangarap ni Juan, hindi nangangahulugan na sa pagsabay natin sa  pagbabago ay mawala na rin ang pagpapahalagang moral. Filipino tayo, hindi dapat gayahin ang mga bansang nagpasailalim na sa mga makabagong kagamitan. Animo’y natural lang sa kanila ang mga makabagong gamit. Panatilihin nating nakatanim sa ating isipan lalo na sa mga kabataan na pag-asa ng bayan ang di pagpapaalipin sa mga makabagong kagamitan. Mas dapat niyong pagtuunan ng pansin ang pagiging mabuting mamamayan kaysa sa mga materyal na bagay na inyong kinahuhumalingan.

Kabataang Filipino tungo sa Makabagong panahon… ito ang inyong hinahangad ang sumabay sa uso na hindi kayo napag-iiwanan ng mga karatig-bansa natin, pero dapat pa rin ninyong tandaan na hindi lang materyal na bagay kayo mabubuhay bagkus katulong nyo ito at may kasamang pagiging responsable. Dapat maging handa kayo sa mga hamon na inyong susuungin sa lalong papaunlad na bansa natin. Huwag ninyong sirain ang ekspektasyon ng nakakarami at ihanda ang inyong mga sarili para maayos at maulad na bansa dahil sa inyong pagpupunyagi para sa lahat.

Mabuhay kayong mga kabataan na nasa panahon ng makabagong teknolohiya. 

By: JOEY R. CABRERA | Master Teacher I | Pagalanggang National High School