Kadakilaan

          SANAYSAY           Nang sandaling iyon lumapit kay Hesus  ang mga alagad at nagtanong, “Sino po ang pinakadakila sa kaharian ng langit?”             Tinawag ni Hesus ang isang bata, pinatayo sa harapan nila at sinabi”, Tandaan ninyo ito, kapag hindi kayo nagbago ta di tinularan ang isang bata,  hinding-hindi kayo paghaharian…


          SANAYSAY

          Nang sandaling iyon lumapit kay Hesus  ang mga alagad at nagtanong, “Sino po ang pinakadakila sa kaharian ng langit?”

            Tinawag ni Hesus ang isang bata, pinatayo sa harapan nila at sinabi”, Tandaan ninyo ito, kapag hindi kayo nagbago ta di tinularan ang isang bata,  hinding-hindi kayo paghaharian ng Panginoong Diyos.  Ang sinumang nagpapakababa na gawina ng mga bagay na ito  at tumatanggap sa mga batang katulad nito ng dahil sa akin ay ako ang tinatanggap.”[Mc.9:33-37].

          Mataman kong inisip ang kahulugan ng bersong ito mula sa Banal na Kasulatan at tinanong ko sa sarili ko kung paano ito maiuugnay sa buhay ng mga GURO.

          Sa tuwina , sa pagtatapos ng taong pampanuruan pumipili ang bawat paaralan ng paparangalan bilang “ Dakilang Guro Awardee”. Ang tanong , ano nga ba ang tamang panukat sa karangalang ito?

Kasabay  ng pagbabago ng kulay ng buhok at paglabo ng paningin, pagsakit ng tuhod , ang walang katulad na sakripisyo para sa kanyang mga mag-aaral.

          Mula sa pagpasok sa paaralan hanggang sa pag-uwi sa kanilang mga tahanan na kasama pa rin ang mga dalahin kaugnay sa mga suliranin ng kanilang mga mag-aaral. Ilang mga guro ang nagbabahagi ng kaunti nilang mga baon sa mga mag-aaral na walang makain ?Nagbibigay ng lakas ng loob sa mga kabataang lubos na pinahihina ng mga pagsubok sa buhay.Ilang buhay ang nabago dala ng mga pangaral na walang sawang binibigkas.Na pati ang araw ng Sabado at Linggo ay nailalaan pa rin sa pag-hohome visit sa mga mag-aaral na bihirang pumasok. Ilang beses na pinagsaraduhan ng pinto, inaway at pinagtaguan sa pagpipilit na makapasok ang kanilang mga mag-aaral. Ang pagpupuyat na ginagawa upang makabuo ng mga modyul na ipapagawa sa mga mag-aaral ng nanganganib na hindi makapasa.

          Ilang gawain na sa paningin ng iba ay responsibilidad nila ngunit sa paningin ng mga bata ay isang “ kabutihan dala ng pagmamahal”

          Mula sa ikatlong palapag ng gusaling aking kinatatayuan ay Malaya kong tinitingnan ang pagka-ubos ng dahon ng talisay sa tag-araw, unti-unti nauubos at nawawala katulad ng mga batang dumating at aalis ng paaralan upang harapin ang daan ng buhay papunta sa kanilang mga pangarap.

          Ilan pa kayang kabataan ang mababago ang buhay dahil sa pagbabahagi ng kaalaman mula sa mga guro? Ilann na ba ang  bumalik upang magpasalamat? Upang ipagyabang ang tagumpay na nakamit niya? Mayroon ba?

          Sino nga ba ang pinakadakila sa kaharian ng langit?

May isang paring nagsabi “Mapapalad ang mga Guro dahil sa langit may espesyal na silid ng inihanda ang Diyos para sa kanila.”

          Lahat ng guro ay bukas ang dalawang kamay sa pagtanggap sa mga batang taon-taon ay inihahabilin sa kanila, kung ganoon ano nga ba ang wastong panukat ng “ toong kadakilaan”.

By: Juvilyn V. Caber | T-I | Orani National High School | Orani, Bataan