Kahalagahan ng mga Teacher’s Training sa Araling Panlipunan

Sapat na ba  na ikaw ay makatapos ng isang Bachelor’s Degree sa larangan ng Edukasyon at maging ganap na guro o makapasa sa Licensure Examination for Teachers (LET),o magkaroon ng ilang taon na karanasan sa pagtuturo ng Araling Panlipunan (AP) upang masabing isa ka nang tunay na professional sa larangan ng pagtuturo? Hindi ba sumagi…


Sapat na ba  na ikaw ay makatapos ng isang Bachelor’s Degree sa larangan ng Edukasyon at maging ganap na guro o makapasa sa Licensure Examination for Teachers (LET),o magkaroon ng ilang taon na karanasan sa pagtuturo ng Araling Panlipunan (AP) upang masabing isa ka nang tunay na professional sa larangan ng pagtuturo?

Hindi ba sumagi sa iyong isipan na dapat na ikaw ay may “expertise” o kahusayan sa iba’t-ibang antas ng pag-aaral sa mataas na paaralan.Halimbawa,kahit na ikaw ay naatasang magturo ng A.P.7 (“Pilipinas”,Isang Sulyap o Pagyakap),ay handa kang hubugin ang kaisipan ng mga mag-aaral sa Grade 7 upang lalo pang mapahalagahan at matutuhan ang AP 10 (Kasaysayan ng Daigdig.Handa kang iugnay ang kasaysayan sa nakaraan at kasalukuyan o ikaw naman ay naatasang magturo ng Ekonomiks,handa ka din bang ibahagi at ipaunawa sa mga mag-aaral ang mga pagbabagong pang ekonomiko na lubhang nakaaapekto  sa pag-unlad na pangkabuhayan ng bansa?

            Hindi ba’t aminado ka din sa sarili mo na bagamat napag-aralan mo ang mga ito sa kolehiyo ay mayroon ka pa ding mahahalagang bagay na dapat idagdag at ibahagi sa mga mag-aaral?

            Marahil ay madarama at maiisip mo din na isa sa mga kasagutan ay ang Teacher’s Training mula sa Center of Excellence upang maging ganap na yakapin nating tuluyan ang pagtuturo ng hindi lang A.P.,kundi maging ng iba pang mga asignatura upang maging ganap ang ating pagiging propesyonal.Kasama na sa pagsasanay na ito sa mga Centers of Excellence ang patuloy na maitaguyod ang misyon,mga hangarin at sistema ng edukasyon ng Pilipinas upang patuloy nating maitaguyod at makapagpabago bilang guro sa pambansang pag-unlad.

By: Gemma V. Sale | T-II | MARIVELES NATIONAL HIGH SCHOOL-CABCABEN