KAHALAGAHAN NG PAGSASALING-WIKA

Hindi maitatatwang malaki ang papel na ginampanan ng pagsasaling-wika sa paglaganap ni Kristiyanismo sa ating bansa. Nang dumating ang mga Kastila dito, sinikap nilang pag- aralan ang mga wika sa Pilipinas upang maisalin nila sa wikang nauunawaan ng mga katutubo ang mga doktrina ng Kristiyanismo, nang sa gayon ay mapalaganap ang kanilang pananampalataya.   Malaki…


Hindi maitatatwang malaki ang papel na ginampanan ng pagsasaling-wika sa paglaganap ni Kristiyanismo sa ating bansa. Nang dumating ang mga Kastila dito, sinikap nilang pag- aralan ang mga wika sa Pilipinas upang maisalin nila sa wikang nauunawaan ng mga katutubo ang mga doktrina ng Kristiyanismo, nang sa gayon ay mapalaganap ang kanilang pananampalataya.  

Malaki rin ang tungkuling ginampanan ng pagsasaling-wika sa pagtatamo ng kalayaan ng ating bansa. Ang mga propagandista na palibhasa’y aral sa wikang Kastila ay nagsisulat sa wikang Kastila kaya’t ang kanilang mga akda ay kinakailangang isalin sa mga katutubong-wika sa Pilipinas upang lumagaganap ang kanilang mga prinsipyo at kaisipan.  

Maging noong panahon ng Hapon ay ginamit din ang pagsasaling-wika sapagkat ang malaman at makabuluhang mga dokumento ng Hukbalahap ay nakasulat sa Ingles.  

Inaliw ng mga dulang salin mula sa mga bantog na dula ng daigdig ang mga Pilipino noong panahon ng digmaan. Nagamit nang panahon ng digman ang pagsasalin upang bakahin ang pangamba na naghahari sa mamamayan.  

Ngayon, tayo ay nahaharap sa panibagong pakikibaka. Ang pakikibaka sa larangan ng agham at teknolohiya.  

Kung nais nating sumulong ang ating ekonomiya ay kinakailangan ding sumulong ang ating wika, agham at teknolohiya. Kinakailangang maging mabilis ang pagtuturo ng mga kaalaman na nauukol dito. Matutugunan natin ito kung maisasalin sa wikang madaling nauunawaang ng mga Filipino ang mga aklat, pamplet, papel pananaliksik, artikulo, at iba pang babasahin na nauukol sa agham at teknolohiya.

Narito ang ilang mga panimulang patnubay sa pagsasaling-wika ng Drupal sa Filipino. Habang tayo ay nagsasaling-wika, maaari tayong magpasiya ng mas tiyak na mga patnubay upang mapahusay ang pagsalin ng Drupal sa Filipino. Ang pahinang ito ay isang wiki, ibig sabihin ay maaari mong baguhin ang teksto ng pahinang ito.

Ang payo mula sa “Linux for Schools: Localization and Translation” ay isang puntong magandang isaalang-alang:

Ang iyong gawain ay … ipahatid ang nilalaman, kaya huwag matakot na lokalisahin ang orihinal na teksto kahit na ito’y ibang-iba (dapat akma, siyempre). Basahin ang orihinal na teksto, unawain ang nilalaman nito, at isaalang-alang kung paano mo nais na ibalangkas ang teksto sa iyong wika (kung hindi mo pa naririnig ang orihinal na teksto).

Mas madaling maintindihan ang Drupal kung ang mga tagapagsalin ay makayang maging pare-pareho sa paggamit ng mga salita. Kung iyong isasalin ang isang salita sa ibat-ibang singkahulugan nito, mahihirapan ang mga tao na maintindihan na ang tinutukoy sa Drupal ay parehong tampok o pag-andar.

Mahalaga rin naalamin ang estilo ng pagsasaling-wikang proyekto. Tandaang gumamit ng konserbatibo at pormal na Filipino.

Isalin ang mga salita at teknolohiyang pang-internet atpigilin muna ang sarili sa paggamit ng mga katumbas na salita sa Ingles.

Alamin muna kung may akmang salita o terminoholiya sa Tagalog. Kung mayroon, gamitin ito.Kung wala, suriin kung may akmang salita mula sa mga pinaka-malalawak na wika ng Pilipinas gaya ng Cebuano, Ilokano, Hiligaynon, Waray-Waray, Kapampangan, Northern Bicolano, Chavacano, Pangasinense, Southern Bicolano, Maranao , Maguindanao, Kinaray-a, at Tausug.Kung wala pa rin, suriin pa kung may akmang salita mula sa iba pang wika ng Pilipinas.

Kung walang akmang salita o terminolohiya mula sa mga wika ng Pilipinas, maari mong itranslitereyt ang salita mula sa ingles papuntang Tagalog (halimbawa: account -> akawnt, computer -> kompyuter). Tandaang ang pagta-translitereyt ay papuntang Tagalog at hindi Filipino, dahil ang Filipino ay may mga titik na C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z na hindi ginagamit sa pagtatranslitereyt.Kung talagang mas magandang hindi isaling-wika ang mga terminolohiya at salita, gamitin ang Ingles na salita. (halimbawa: internet)

Kung ikaw ay hindi sigurado sa mga katumbas na salita, subukang makipag-ugnay sa departamento ng iyong wika mula sa mga pinagpipitaganang pamantasan sa iyong bansa o sa isang kawanihan na nangangalaga ng iyong wika. Huwag matakot na gamitin o ipakilala ang mga bagong salita kung ito ay maging saligan. Tandaan, nang ipinakilala ang salitang “mouse” (pang-kamay na aparato upang makipag-ugnay sa isang kompyuter), ang salita ay kinutya at pinagtawanan.

Ang orihinal na teksto ay base sa mga sumusunod:

http://drupal.org/node/13220

http://www.tagtag.com/filip2/kahulugan_at_kahalagahan_ng_pagsasaling_wika/kahalagahan

By: Ma. Gemma C. Dela Fuente | Teacher III | Limay Elementary School | Limay, Bataan