Marahil ay nabasa na o narinig na ninyo ang kawikaang “Wika ang pinakamahalagang handog ng Panginoon sa sangkatauhan.” Sumasang-ayon ako sa kawikaang ito, sapagkat alam natin ang mga kahalagahang dulot nito.
Ano nga ba ang wika? Bakit ito’y itinuturing na” may kapangyarihan?” Ang sabi ni Sapir, isang dalubhasa sa wika , ito ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin. Kung hindi maipahahayag ng tao ng tao ang kanyang mga ideya at niloloob, anong uri kaya ng loipunan tayo mayroon?
May malaking papel na ginagampanan ang wika sa bawa’t tao at maging sa lipunan. Sa pamamagitan ng wika, nabubuo ang mabuting relasyon sa kapuwa, napapaunlad ng tao ang kanyang sarili at nakatutulong din siya sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng ibang tao . Dahil sa wika nakatatanggap at nakikibahagi siya sa kapuwa sa bisang dala ng pagbabago sa kultura at kabihasnan. Samakatuwid, ang kahusayan ng tao sa paggamit ng wika ay isang instrumento sa pag-unlad.
Ang pagkakaroon ng Wikang Pambansa ay may layuning pag-ugnayin ang bawat mamamayan sa isang bansa na siya namang nagbibigay tulay tungo sa pag-unlad nito iba’t ibang aspeto. Angkop lang na sa
sulating ito ay maiparating ang hangaring lalong maintindihan ang kaalaman ng nakararami tungkol sa mga kadahilanan at kasulukuyang kalagayan ng Wikang Filipino bilang ating Pambansang Wika at lubos na matukoy ang kahalagahan, kaugnayan, at epekto nito sa pag-unlad ng ating bansa.. sa dahilang ang pagpapaunlad sa sariling wika ay may tuwirang epekto sa pagpapaunlad ng isang bansa. at lalong pagbuklurin ang matibay na identidad ,nagkakaisang pambansang mithiin at damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino bilang isang puwersang magbibigkis sa tunay na kapayapaan, pagkakaunawaan at higit sa lahat kaunlaran.
Ayon kay Baaco, Belgira atbp, (2013), ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mgamamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang bansa. Ang wikang pambansa ay nagiging isang malaking daan ng komunikasyon upang mapalago at mapagbuti angtakbo ng politikal, sosyolohikal, at maging ang ekonomikal na aspeto ng lipunan. Ang pamanahong papel na ito ay magtatalakay ng epekto ng pagkakaroon ng sariling wikang pambansa sa ekonomikal na aspeto. Ang wika ang ginagamit komunikasyon ng mga tao sa lipunan bilang instrumento ng komunikasyon. Ito rin ang ginagamit sa paggawa ng mga transaksiyon, na maituturing na isa sa mahahalagang salik ng isangmaunlad na bansa..Hindi magiging matagumpay ang alinmang klase ng transaksiyon kung hindi tayo nagkakaintindihan at kung hindi tayo gagamit ng iisa at sarili nating wika. Sa paggamit ng ating sariling wika sa mga tranksaksiyon mas magiging madali para sa mga mamamayang Pilipino ang makahikayat upang makisali sa pakikipagtalastasan at mga transaksiyon sa loob ng ating ekonomiya.
Mahalagang maintindihan muna ang kasaysayan ng ating Wikang Pambansa kungpaano ito nagsimula bilang Tagalog, naging Pilipino, at ngayon nga ay Filipino. Hanggang sa kasalukuyang panahon, ang Filipino ang wikang pambansa na ginagamit ng Pilipinas sa kabilang napakaraming katanungan ukol sa pagpili dito. Naging batayan ng mga mambabatas ay ang mga sumusunod: 1.) Sinasalita ang Tagalog ng napakaraming tao at ito ang wikang pinakanauunawaan sa lahat ng mga rehiyon ng Pilipinas. Papadaliin at pabubutihin nito ang komunikasyon sa mga taumbayan ng kapuluan.
Napakahalaga ng sariling wika sa isang lipunan. Unang una, ito ay ginagamit ng tao angwika sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan. Pangalawa, ang pagkakaroon ng isang pambansang wika ay mahalaga upang magkaisa at mabuklod ang mga mamayan nito. Ang sariling wika ang isa sa mga bagay na kumikilala sa isang lahi, kung ano sila, saan sila nagmula,kung sino sila at ano ang kanilang kaibahan sa ibang lahi. At pangatlo, ayon kay Reynaldo L.Aguilar (1994), ito ang pinakamahalagang tungkuling ng wika, sapagkat dito pinaiiral ang malikhaing paglalang ng mga bagong pamamaraan at bagong paniniwala. Sa tungkuling ito, ang wika ay kinakailangang matatas at maunlad.Importanteng maintindihan natin kung paano nakakaapekto ang pagpapaunlad ng sariling wika sa ekonomikal na aspeto ng lipunan. Napakahalaga ng komunikasyon upang magkaroon ng transaksyon sa pagitan ng mga tao, upang mapaunlad nila ang kanya-kanya nilang gawaing pang-ekonomiya; gaya na lamang sa gobyerno, mga pribadong negosyo, at iba pa. Ayon kayChristoper Cabughay (2012), isang importanteng salik sa paglago ng ekonomiya ay ang paggamitng wika na maiintindihan ng mga maralita.
Hindi maitatanggi ang kahalagahan ng wika hindi lamang ditto sa ating bansa kungdi sa buong mundo man. Hindi dapat kalimutan ang paggamit nito, pasalita man o pasulat.
Sanggunian:
Filipino termpaper.blogspot.com
By: Maricris Cruz Sison | T-I | City of Balanga, Bataan National Highschool