KAIBIGAN

                Sino nga ba ang kaibigan para sa iyo?  Sa akin? Sa ating lahat? Natagpuan mo na ba siya sa tunay na kahulugan nito?                  Ipinahayag sa “Simple Reminders. Com” na “I’ll always remember the ones who were with me when things were tough, who never left my side…


                Sino nga ba ang kaibigan para sa iyo?  Sa akin? Sa ating lahat? Natagpuan mo na ba siya sa tunay na kahulugan nito? 

                Ipinahayag sa “Simple Reminders. Com” na “I’ll always remember the ones who were with me when things were tough, who never left my side and made me smile when I didn’t have anything to smile about.”

                Ang isa kong mag-aaral ay nagbahagi sa akin ng pahayag na ito na mula sa message sa text na “Dahil KAIBIGAN kita, sinulat ko ang PANGALAN mo sa isang pirasong papel pero aksidenteng natapon ko pero nahugasan ko. Sinulat ko sa buhangin pero hinampas ng alon palayo. Sinulat ko ang  PANGALAN mo sa aking PUSO at dito SIYA nagtagal.

                 Ang mga kaibigan para sa akin ay ang mga taong kahit hindi man natin laging nakakasama ay lagi pa ring nandiyan sa mga oras na kailangan nating may mababahaginan ng ating mga tagumpay, halakhak, saya, kilig at marami pang ibang masasaya at malulungkot na pangyayari at mga karanasang ating mga naranasan na kinapulutan ng ibait ibang aral sa buhay na nagpapatatag sa atin sa tuwi-tuwina.

                 Ang mga kaibigan din ang mga dakilang regalo sa atin ng Diyos gaya rin ng pahayag sa Ingles na “no man is an island.” Dahil sila ang mga taong dumadamay at nakikiiyak sa atin sa tuwing tayo’y lumuluha, nalulungkot, nabibigo o kaya’y tuwing wasak ang ating puso at pagkatao.  Ang tunay na kaibigan ay gaya rin ating buhay na ipinagkaloob sa atin ng Diyos na isang regalo sa atin na hindi natin alam kung ano ang laman at kung ano ang mangyayari sa atin sa oras na matanggap natin o makasama natin.

                Sila rin ang mga taong tumutulong sa atin na muling pulutin isa-isa at muling buuin ang mga bahagi ng ating pagkatao na nasira at nadumihan ng iba’t ibang pangyayari sa ating buhay at maging ng mga taong ating minahal o minamahal, pamilya, ka-trabaho, kapit-bahay at mga taong nakapaligid sa atin sa lahat ng aspeto ng ating buhay.

                   Kaibigan. Sila rin ay gaya ng isang paying na kasa-kasama mo sa lahat ng lakaran at sa lahat ng panahon- ma-tag-init man o ma-tag-araw kaya lang ay laging nararapat ingatan at pahalagahan upang magtagal at hindi masira upang sa anumang oras na kailangan mo ay laging naririyan upang ika’y madamayan at ma-proteksyunan.

                  Ang tunay kaibigan ay gaya rin ng isang tunay na pag-ibig na handing umalalay at magsakripisyo para sa ikaliligaya ng minamahal.  Siya rin ang magsasabi sa iyo kung sino ka at ano ka sa tunay na kahulugan nito. Siya rin ang taong nagtutuwid sa iyong kamalian at hindi nangungunsinti at gaya rin ng “elevator” na sasamahan ka paitaas at dadamayan ka sa mga oras na ikaw ay nasa ibaba na walang halong pagkukunwari at walang hinahangad na kapalit kundi ang makasama ka sa mga daang iyong ninanais na lakbayin kahit pa ang mga ito ay pasikut-sikot o maaaring patay na daan na pala.

                Ang mga tunay na kaibigan ay magtuturo sa iyo sa tunay na liwanag at hindi ka kailanman dadalhin sa kadiliman at kung sakaling napunta ka man sa kadiliman at kumunoy dahil sa ibang mga taong pinagkatiwalaan at pinaniwalaan na sa iyo’y naglilo at naghangad ng iyong pagbagsak at pagkapariwara dahil sa masamang hangarin sa iyo samantalang silang mga tunay na kaibigan ay pipilitin ka pa ring hatakin tungo sa kaliwanagan at sa kaitaasan.

              Ilan sa mga maituturing nating tunay na mga kaibigan ay walang iba kundi ang ating Diyos, mga magulang, kapatid, pamilya at mga tunay na kaibigan na palaging nariryan sa ating tabi sa lahat ng mga pangyayari sa ating buhay, mapa-tagumpay, mapa-kalungkutan, kalusugan, kasakitan at marami pang mga hindi inaasahang pangyayari na punung-puno ng sorpresa o misteryo gaya ng rosaryo na laging nariyan ngunit madalas ay hindi natin pinapansin o binabalewala natin o hindi natin nabibigyan ng “QUALITY TIME”, sinadya man natin o hindi dahil sa maraming bagay na umookopa sa ating isipan at damdamin.

             Ang kaibigan ay gaya rin ng kwento ng “Happy Prince” na mula sa “High SchoolEnglish Book” na ang estatwang prinsipe ay humingi ng tulong sa munting ibon upang alamin ang mga kailangan ng nasasakupang kahariang hindi niya namalayan noong buhay pa siya sa dahilang ang kanyang mga magulang ay nagpalaki sa kanya sa kasaganaan at naglihim sa kanya sa iba’t ibang kahirapang dinaranas ng kanilang mga nasasakupan at kaya lamang natuklasan ay nang siya ay patay na at isa ng estatwa sa ibabaw ng mataas na bundok at sa tulong tuka at mga kuko ng munting kaibigang ibon ay kanyang natulungan ang mga naghihirap sa kanilang kaharian sa pamamagitan ng mga “jade”, ginto at mga diyamanteng nakapalibot sa kabuuan niya bilang estatwa mula sa kanyang mga mata hanggang sa kanyang mga paa at kahit ang nagging kapalit nito ay matinding gutom, uhaw at pagod sa munting ibon at naghatid na sa kanyang kamatayang walang halagang kaligayahan at kapayapaan dahil sa kanyang nagawang tulong sa kaibigang estatwang prinsipe at mga mahihirap.

             Ang tunay na kaibigan ay gaya rin ng halamang iyong itinanim sa matabang lupa, diniligan at inalagaan araw-araw at kapag ito’y Ang tunay na kaibigan ay gaya rin ng halamang iyong itinanim sa matabang lupa, diniligan at inalagaan araw-araw at kapag ito’y lumaki at lumago ay magdudulot sa atin ng kaginhawahan maging sa sa isip man o damdamin at magsisilbi ring inspirasyon sa mga taong nakararanas ng depresyon kung siya o sila ay pagtutuunan lamang ng atensyon.

             Ang kaibigan ay gaya rin ng isang pinto na poprotektahan ka laban sa kaaway at hand aka ring papasukin at tanggapin ng buong lugod na may ngiti sa labi kaya kapag nakatagpo ka na n g isang tapat na kaibigan, siya’y pahalagahan muna agad dahil ang halaga niya’y isang kayamanang kapag iyong iningata’y magdudulot sa iyo ng ganap at tunay na kaligayahan.

            Sabi nga sa “Single’s for Christ”, “Pahalagahan natin an gating Diyos, kapwa at kaibigan sa pamamagitan ng three T’s, ang  time, talent and treasure na mayroon tayo nang sa gayon ay masaya nating masasabi sa Diyos na “Salamat po dahil binigyan Mo po ako ng mga kaibigang kasama kong maglilingkod ng tapat at buong puso sa Iyong Banal na Kawan!”

By: Aileen D. Maglente | T-III | National Highs School Main