Kaibigan o Kaaway

Lahat ng mga guro ay dedikado sa kanilang sinumpaang tungkulin,minsan nakakalimutan na nila ang kanilang sarili at sariling pamilya para lamang  sa kapakanan ng iba.Kinakayang  isantabi ang problema para sa pagkatuto ng mga batang sa kamay nila ay umaasa.Gurong artista ika nga’y bansag  kahit may karamdaman  at problema isinasantabi, ngiti’y bitbit pagpasok pa lamang sa…


Lahat ng mga guro ay dedikado sa kanilang sinumpaang tungkulin,minsan nakakalimutan na nila ang kanilang sarili at sariling pamilya para lamang  sa kapakanan ng iba.Kinakayang  isantabi ang problema para sa pagkatuto ng mga batang sa kamay nila ay umaasa.Gurong artista ika nga’y bansag  kahit may karamdaman  at problema isinasantabi, ngiti’y bitbit pagpasok pa lamang sa pintuan ng silid-aralan  upang masilayan ang ng mga batang uhaw sa pagmamahal at karunungan.

Ngunit ang tanong ang guro ba ay ating kaibigan o kaaway?

Mahirap na katanungan para sa musmos na isipan,nahahati ang kanilang opinyon at kasagutan.

            Sa pagbubukas ng Paaralan pagkatapos ng mahabang pahinga dahil sa pandemya,maraming natatakot na bata sa pagpasok sa unang araw ng klase may mga umiiyak at ayaw bumitaw sa magulang, nakikipaghatakan, nakikipaghilahan. Halos mapuno ng ingay ang loob ng silid aralan dahil sa iyakan ng mga batang animo ay bagong labas sa mundong ginagalawan. Ano nga kaya ang kanilang nararamdaman bukod sa ayaw magpaiwan, takot nga kaya ang kanilang nararamdaman? Ano kaya ang tingin nila sa mga guro sa paaralan kaaway ba o kaibigan?

Bukod sa panibagong kapaligiran na gagalawan, panibagong mukha ang kanilang madaratnan sa paaralan, isa na dito ang guro na tingin ng iba ay kaaway at ang iba ay kaibigan.

Kaaway dahil, inilalayo sila sa mga magulang panadalian, kaaway dahil sa paglalaro ay nililimitahan, pagsulat at pagbasa ang nais ipauna. Kaaway dahil tinuturuan ng maayos at magagandang pananalita, salitang kalye ay mahigpit na pinagbabawal, kaaway dahil pag hindi nakabasa at nakasulat ay ipapaiwan ka talaga upang matutukang mag-isa. Kaaway dahil pag may nagawang mali, ipapatawag ang magulang at pag-uusapan ang naging problema.

       Pero teka, ang mga guro na iniisip ninyong mahigpit na kaaway ,”terror “ kung iyong bansagan ay ang inyong pangalawang ina sa paaralan at ang iyong kaibigan, kaya niyang mahalin ang mga batang may ibat-ibang ugali ng sabayan, handang pakinggan lahat ng hinaing o sumbong at umasa ka agad-agad na may solusyon. Bukas ang palad sa lahat ng nangangailangan, handang magmahal ng walang hinihintay na kapalit, handang magparaya pati sariling kaligayahan makita lang mga batang unti-unting naabot ang pangarap. Isa siyang kaibigan na inyong masasandalan at hindi kaaway. Lahat ng kanilang pinagbabawal at tinuturo balang araw ay inyong maiintindihan.

     Kaya ikaw anong iyong palagay, ang guro ba ay kaibigan o kaaway?

By: Mrs. Rowena D. De Leon | Teacher II | Our Lady of Lourdes Elementary School | Munting Batangas, Balanga City, Bataan |