Kalidad na Edukasyon: Pagdaragdag ng Kaukulang Pondo

Nakaaalarma ang pagtaas ng bahagdan ng mga out of school youth sa Pilipinas. Sa nakaraang anim na taon, ang bilang ng mga estudyante na may edad na anim hanggang labing lima na nag drop sa pinapasukan nilang eskwelahan ay umabot na sa katakut- takot na 5.6 milyon noon lamang 2010. Tinatayang madadagdagan pa ang bilang…


Nakaaalarma ang pagtaas ng bahagdan ng mga out of school youth sa Pilipinas.

Sa nakaraang anim na taon, ang bilang ng mga estudyante na may edad na anim hanggang labing lima na nag drop sa pinapasukan nilang eskwelahan ay umabot na sa katakut- takot na 5.6 milyon noon lamang 2010. Tinatayang madadagdagan pa ang bilang na  ito dahil sa pagpapatupad ng K-12 sa lahat ng paaralan sa bansa.

            Tinatayang bababa ng higit 35 porsiyento ang Graduation Rate dahil na rin sa dagdag na dalawang taon sa sekondarya na nakapaloob sa naturang programa. Isipin niyo, ang mga batang hindi nakapag aral ay lalaki sa gulang na labing walo hanggang dalawampu’t lima subalit hindi ito makakahanap ng matinong trabaho dahil na rin sa kamangmangan. Patuloy silang magiging pabigat sa bayan at magiging sakit lang ng ulo ng lipunan.

            Sa katunayan, bago pa man maipatupad ang K-12, ay mataas na ang bahagdan ng mga batang hindi nakapag aaral o nakakatapak man lang ng eskwelahan. Bakit, dahil sa kakulangan ng pasilidad at patnubay ng Gobyerno. Lalo pa ngayon na madadagdagan ng dalawang taon ang pag aaral. Patuloy ba tayong magtitiis sa mga pasilidad sa lood ng dalawang taon?

            Napaka haba ng anim na taon para sa mga bata na nakararanas ng kahirapan ng buhay. Lalong nakakawala ng pag asa ang dagdag na dalawang taon sa pag- aaral pa lamang ng sekondarya. Malamang na hindi na lang mag-aaral ang mga kabataan dahil sa gastos para sa mga bayarin para sa eskwelahan.

            Pero napaka simple ng lohika. Ang kailangan lamang ay dagdag na pondo para sa pagpapaayos ng mga estrukturang pang edukasyon. Gugustuhin mo bang mag-aral nang sira ang silya o kaya nama’y napaka init sa loob ng classroom?

            Patuloy na lalaki ang bilang ng mga out of school youth at maging ng mga tambay kung hindi mabibigyan ng pansin ng pamahalaan ang mga kakulangan.

By: Rowena A. Delfin | Teacher III | Mariveles National High School – Poblacion | Mariveles, Bataan