Edukasyon ang tanging pamana na hindi mananakaw ninuman. Kailangan ito ng bawat isa upang hindi maging mangmang.
Sa apat na sulok ng silid-aralan hinuhubog ang kakayahan at talento ng bawat mag-aaral. Ang kalidad na edukasyon ang mithiin ng bawat magulang para sa mga anak, upang magkaroon ng maayos at magandang kinabukasan. Maging tagumpay sa buhay at mabuting mamamayan.
Paano natin masasabing sa tahanan nagmumula ang kalidad ng edukasyon? Maraming kabataan ang hindi makapag-aral dahil sa kahirapan ng buhay. May mga magulang na wala ng panahon sa kanilang mga anak, kung kaya maraming kabataan ang nagbubulakbol at pinapabayaan ang pag-aaral.
Kung magtutulungan ang tahanan at paaralan tiyak may kalidad na
Edukasyong makakamit. Kinakailangan ang mga kabataan bigyang importansya ang edukasyon sapagkat ito ang kaagapay nila sa ikagaganda ng kanilang hinaharap.
By: Joey R. Cabrera | Teacher I | Pagalanggang National High School | Dinalupihan, Bataan