Walang makakatumbas sa kaligayahang nadarama ko tuwing makikita kong natututo ang aking mga estudyante.
Kahit araw – araw kong tiisin ang paggising sa medaling araw na halos daigin ko na ang mga manok, kahit araw – araw kong lakbayin ang mahigit walong kilometrong pagsakay sa traysikel at pag – akyat ng bundok patungo sa Kanawan Integrated sSchool, gagawin ko dahil sa bawat pagtatapos naman ng maghapon, batid ko ang mga ngiti sa labi ng aking mga estudyante na may bago na namang natutunan. At ang mga ngiting yun ay higit pa sa sweldong natatanggap ko.
Sa pagtatapos ng bawat araw, sulit ang puyat, pagod at pawis na napapalitan ng ngiti. At sa pagtatapos ng bawat araw, alam kong uulit – ulitin ko pa rin ang bawat maghapon dahil ang lahat ng yun ay may ngiting katumbas.
By: RAECHEL JUNE V. MILLADO | Teacher I | Kanawan Integrated School | Morong, Bataan