“Kalikasan ay ating ingatan ‘pagkat ito’y yaman ng ating Inang Bayan!”
Ating ibahagi ang lahat ng ating kaalaman, karunungan, talento at mga kasanayan upang ito’y muling manariwa at managana hindi lamang para sa ating sariling kapakinabangan kundi para sa lahat ng salinlahi nitong ating bayan. Kaya nga mga namumuno, mga mamamayan, mga guro, mga mag-aaral at mga manggagawa sa pampuliko man at pamprivado, halina’t tayo’y magtulung-tulong upang itong ating kalikasan ay magpanibago ng mukha ng kasaganaan hindi man natin ito maibalik sa tunay at dati niyong anyo kung gaano ito nilikha ng ating Panginoon Maykapal, ang mahalaga sa ngayon ay unti-unti tayong kumikilos sa sarili nating kakayahan at pamamaraan at sa tulong at awa Niya ay makakaya nating isalba ang natitira pa nitong yaman at kagandahan hindi lamang para sa kasalukuyan kundi lalo’t higit para sa kapakinabangan ng salinlahi at nang masambit nila ang salitang “SALAMAT” sa lahat mga nagmalasakit para sa kanilang kapakanan gaya rin ng mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa kalayaang tinatamanasa nating lahat sa kasalukuyan.
Tayo ring lahat ay makisangkot sa mga programa ng ating pamahalaan maging nasyonal o lokal man upang masambit din natin sa ating sarili na kahit sa maliit na pamamaraan ay naging bahagi tayo ng pagbabagong ito n gating Inang Kalikasan tungo sa muling ikabubuo nito at hindi sa ikasisira nito. May pag-asa pa ang ating Inang Kalikasan kung tayo ay mananalig sa ating sariling kakayahan at sa tulong at kapangyarihan ng Dakilang Lumikha gaya ng pahayag sa awit na “God will make a way when there seem’s to be no way!”
By: Marla Aileen D. Maglente | T-III | Oarni National Highschool main