Minsan ako’y namamasyal at natawag ng aking pansin ang mga ibon na nasa hawla at pinagbebenta sa daan. Ang mga ibon ay tila nag mamakaawa sa akin at nkikiusap na silay aking bilhin at ng sila ay Malaya ng makalipad sa lawak ng himpapawid. Hindi naman sila nabigo dahil kahit sapat lang ang pera ay pinilit kong silay mabili. Pagkatapos noon ay binuksan ko ang hawla at buong galak na pinagmasdan ang malaya nilang paglabas sa hawla. Ngunit nagulat ako sa sumunod na pangyayari pag lipas lamang ng mga ilang minuto sila ay nagsi balik sa kanilang hawla. Nalungkot ako hindi dahil sa nasayang kong pera kundi sa kaisipan na tayo rin ay maihahambing sa mga ibon.
Noong June 12, 1988 nangyari ang pagpapahayag ng Kasarinlan ng Pilipinas doon sa Kawit Cavite kasabay nito ang malayang pag bandera ng ating watawat. Dito opisyal na pinroklama na tayo ay malaya na sa kamay ng mga dayuhan. Ngunit ang tanong? Tayo nga ba ay malaya na? Kahit nasabi ng tayo ay malaya, bakit tila bitbit parin natin ang kaisipan ng isang alipin at bumabalik sa bansag na pagiging Indio.
Malaya kana! Wag na sanang tayo ay bumalik pa sa hawla. Itoy maipapakita mo sa simpleng pagpili. Pagpili ng kakainin. Pagpili ng bibiling kasuotan. Pagpili ng musikang pakikinggan. Pelikulang nais panoorin. Lugar na nais pasyalan at tirhan. Gaya nga ng isang awit “Piliin mo ang Pilipinas”. Ito ang iyong bayang sinilangan at sa dugo mo nananalaytay ang dugong bughaw. Dugo ng matatapang, mapag malasakit at may pagmamahal sa bayan. Simulan nating lumipad ng malayang malaya palayo sa hawla ng pagiging alipin patungo sa buhay na pinagpala na inilaan ng May Kapal sa atin.
By: Rose-Ann Marie R. Manalili | Teacher III | Bataan National High School