KAMAY NA BAKAL

Mata sa mata ngipin sa ngipin? Handa na nga ba ang pamilya ko  para sa ganitong bagay? Paano nalang kung isang pagkakamali ko na lubos kong pinagsisisihan ang tumapos sa aking buhay? Pero ito raw ang makapagpalilinis ng bansa ko. Ano bang dapat kong gawin? Paano nalang ang pinapanigan ko kung sa isang pagkakamali dugo…


Mata sa mata ngipin sa ngipin? Handa na nga ba ang pamilya ko  para sa ganitong bagay? Paano nalang kung isang pagkakamali ko na lubos kong pinagsisisihan ang tumapos sa aking buhay? Pero ito raw ang makapagpalilinis ng bansa ko. Ano bang dapat kong gawin? Paano nalang ang pinapanigan ko kung sa isang pagkakamali dugo ang kapalit? Paano kung patayin niya ako? Ano baa ng dapat kong maramadaman ngayon, SAYA o TAKOT?

SAYA- Bago na ang president ng Pilipinas, ika labing anim nang itatalagang pinuno ng bansa. Dapat akong maging masaya. Nalalapit na ang pagbabago. Mas magiging mas mapayapa ang takbo ng ating bansa. Pantay-pantay na rin ang pagtingin sa mga Pilipino mahirap man o mayaman. Giginhawa na ang buhay natin. Mababawasan na ang korap, kriminalidad at kahirapan. Ang saya di ba? Makakalibot na ako o tayo nang payapa kasi walang  tayong iniintinding krimen sa palagid. Buti nalang binoto siya!

TAKOT- Bago na ang president. Sa mga naririnig ko mahilig daw siyang pumatay. Kung ano ang kinuha , siya rin ang kapalit. Paano kung magkamali ako na hinid ko naman sinasadya? Paano na lang ang karapatan kong  mabuhay? Paano ako magpapaliwanag, kung sa pagbuka pa lamang ng bibig ko at tumulo ang dugo dahil tinamaan nap ala ako ng bala nya. Mabubuhay lamang ako, tayo sa takot. Dapat hindi nalang siya binoto.

Halo-halo, iba-iba, gulong-gulo na ko sa takbo ng isip ko. Hindi ko alam kong matatakot ba ako o matutuwa dahil president na siya. Hintayin ko na lamang siguro ang magiging takbo ng kanyang pamumuno. Sa ngayon, mag-iisip muna ako kung paano ang dapat kong maramdaman. Sapat na sa akin na malamang bago na ang president at walang iba kundi na si Rodrigo Duterte. 

By: Angelica V. Tabungar