Sa mahigit dalawang taon na pagharap natin sa pandemya (COVID-19 ), Ngayon ay nakikita na natin ang nagging epekto nito sa pag-aaral ng mga kabataan. Nakikita natin ang nagging kakulangan ng mga bata sa kaalaman. Nakalulungkot mang isipin pero dapat nating harapin. Ito ay pansamantalang suliranin kung magtutulungan ang guro at ang magulang. Sa grado na kinabibilangan nila ngayon, hindi sapat ang kanilang nalalaman. Dahil sa umusbong na modular na magulang lamang ang kanilang nagging tagapagturo, hindi naibigay nang wasto ang mga aralin. May mga pagkakataon pa na ang magulang na mismo ang nagbibigay ng kasagutan sa bawat module ng kanilang mga anak, dahil ang atensiyon nila ay nasa paghahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan ng mga ito o nasa pagsasagawa ng gawaing bahay, kung kayat wala na silang lakas para maturuan ng maayos o wasto ang kanilang mga anak. Gustuhin man ng guro na maibigay ang wastong pagtuturo at pagkatuto subalit, Paano?
Kanino ang kasalanan? Sa magulang ba o Sa guro? Kung iisipin natin walang may kasalanan. Kaya ngayon natin simulan, punan ang kakulangan na dapat nating maibigay sa mga mag-aaral. Kinakailangan ang pagtutulungan ng mga guro at ng mga magulang upang maisagawa ito para sa mga kabataan. Face to face classes ang solusyon sa suliraning ito. Iba na natuturuan sila sa paaralan, dahil ditto naibibigay ng guro ang mga dapat nilang matutunan batay sa grado na kanilang kinabibilangan. Alam natin na sa unang araw ng kanilang pagpasok muli sa paaralan, nandoon ang kaba at takot na hindi nila naramdaman sa loob ng dalawang taon. Sa nakasanayang sitwasyon gaya ng, paggising ng tanghali, pag-gawa ng gawain kung kailan lamang maibigan o kaya ay pag-gawa na katabi nila ang kanilang mga magulang. Unti-unti maibabalik din sa maayos ang kaisipan ng bawat kabataan na dapat silang pumasok sa paaralan upang matuto nang husto at naaayon sa grado. Sa pagpapatuloy ng ganitong sitwasyon unti-unti nating mapaparamdam at maipapakita sa mga kabataan ang pinagkaiba ng kaalaman na natututunan sa tahanan at ng kaalaman na natututunan sa paaralan. At ditto malalaman nila na ang tunay na kaalaman ay nasa paaralan.
Ang mga bata ay madaling makiangkop sa isang lugar, kung ating pagtitiyagaan at pagtutulungan. Nasa atin na nakatatanda ang paggabay sa kanila. Ibigay natin ang tamang pagkakatuto na nararapat sa kanila at makukuha nila ang tamaang pagkatuto na kanilang kailangan.
By: Mary Jane A. Martinez|Teacher III |Cataning Integrated School|Balanga City, Bataan