KAPANGYARIHAN NG ISANG GURO

A Teacher affects eternity; he can never tell where his influence stops – Henry Adams             Sa araw araw hindi na natin mabilang kung ilang libong salita nga ba ang lumalabas sa ating bibig bilang isang guro. Simula sa pagtuturo, pagkkwento, pangagaral at pagpapaalala. Ngunit kahit gaano man ito nakakapagod darating at darating ka sa…


A Teacher affects eternity; he can never tell where his influence stops – Henry Adams

            Sa araw araw hindi na natin mabilang kung ilang libong salita nga ba ang lumalabas sa ating bibig bilang isang guro. Simula sa pagtuturo, pagkkwento, pangagaral at pagpapaalala. Ngunit kahit gaano man ito nakakapagod darating at darating ka sa oras na ipagpapasalamat mo na ikaw ay naging guro. Kalakip ng pagiging guro ang kapangyarihan, kapangyarihang bumuo o mang wasak, kapangyarihang magbigay pagasa o pagpatay ng pagasa, kapangyarihang magpala o sumumpa.  Ang lahat ng itoy naka salalay sa ating dila.

            Great power comes with great responsibility ika nga ni Spiderman. Kaakibat ng kapangyarihan ang responsibilidad. Bilang isang guro ang ating dila ang ginagamit nating daluyan upang maipasa ang karunungan sa ating mag aaral. Pinagmumulan ito ng yaman kaya tila hindi akma kung ito rin ang pinagdadaluyan ng mga masasakit na salita gaya ng mura na minsan ang palusot ay pabulaklak dila lamang ito.  Tila mas madaling sabihin ang mga negatibong bagay lalo na kung tayo ay nauubusan na ng pasensya. Ngunit isang paalala na ang epekto ng mga salitang ito ay nagiiwan ng latay sa batang pinag sabihan.

            Speak what you want to see. Sa halip na sabihin natin ng sabihin ang mga bagay na nakikita na natin bakit hindi natin tawagin ang mga bagay na gusto nating makita. Tulad na lamang ng “Ano ba yan ang tatamad niyo naman, ang hina hina, ang kukulit, walang kwenta o walang silbi. Hayaan nating sa bibig natin nila marinig kung sino sila hindi batay sa nakikita natin kundi sa kung anong nais mong maging sila sa hinaharap. Aakalain mo bang ang simpleng salitang kaya mo yan ay bubuo ng isang batang may tapang na harapin ang hamon ng buhay dahil minsan may isa syang guro na naniniwala sa kanyang kakayahan. Na ang salitang kasama mo ako ay nakapigil sa isang batang dapat ay magkikitil na ng buhay. Tunay na hindi natin alam hangang saan ang epekto at ang mararating ng ating mga salita.

By: Rose-Ann Marie R. Manalili | Teacher III | Bataan National High School