Bawat bata na isinilang ay may mga karapatan at isa na rito ang karapatang makapag-aral. Kung kaya’t mahalaga ang paaralan kung saan ito ay lugar upang makapag-aral. Subalit, bakit may mga bata na wala sa paaralan?
Kaya’t aking natanto na may mga kabataang hindi tinatamasa ang kanyang karapatan. Karapatan na siyang mahalaga upang siya ay hubugin upang siya ay maging handa para sa kanyang kinabukasan. Kung wala siya sa paaralan paano siya mamumulat at magiging bihasa sa pagbasa, pagbilang at iba pang kaalaman na kanyang kakailanganin upang maging maayos ang buhay.
Ang kahalagahan ng paaralan ay hindi maaaring tawaran. Sa loob ng paaralan hinuhubog ang kalooban, isip at damdamin. Tulad ng isang panday na hinuhubog ang isang sandata upang magamit kapag kailangan.
Kung wala ang bata sa paaralan, saan siya patutungo? ang mga kabataang siyang pag-asa ng kinabukasan?
Nakalulungkot isipin na ang ibang kabataan ay hindi tinatamasa ang karapatang siyang huhubog sa kanya upang magkaroon ng kayamanan sa isip at pagkakatuto.
Kayat ang hamon ko sa mga magulang, ibigay natimj ang karapatang makapag-aral sa ating mga anak, sapagkat ang paaralan at tahanan ay magkatuwang sa paghubog ng ating kabataan.
By: MRS. MA. CRISTINA B. DE LEON | TEACHER I | WAWA ELEMENTARY SCHOOL | ABUCAY, BATAAN