Karapatang Pinaglaban

Sulong!             Sigaw ng mga tao na lumalaban tulad ng mga tao sa digmaan. Sila na matatapang, hindi natatakot at may paninindigan sa kanilang kagustuhan. Bakit hindi sila pinakikinggan? Bakit lagi silang tinatanggalan ng kaparatan? Bukod sa pagiging mahina at walang laban, ano pa nga ba ang dahilan? Hindi na nga sila manalo ni magtagumpay,…


Sulong!

            Sigaw ng mga tao na lumalaban tulad ng mga tao sa digmaan. Sila na matatapang, hindi natatakot at may paninindigan sa kanilang kagustuhan. Bakit hindi sila pinakikinggan? Bakit lagi silang tinatanggalan ng kaparatan? Bukod sa pagiging mahina at walang laban, ano pa nga ba ang dahilan? Hindi na nga sila manalo ni magtagumpay, patuloy pa din silang pinahihirapan at tinatanggalan ng karapatan.

Bang!

            Malalakas na dagundong na rinig ng sangkatauhan. Mga tunog ng baril, bomba at iba pang pasabog na kumikitil ng buhay. Alam ito ng nakararami ngunit wala silang balak lumaban. Nasasaktan at napapatay na ang mga mahal sa buhay ngunit sila ay tila mga bingi at walang pakialam. Matitigil sana ang ganitong pangyayari kung mayroong maglalakas loob. Wala na sanang dadanak ng dugo kapag may lumaban.

Laban!

            Puno ng determinasyong sigaw ng mga tao dahil sa pagnanasang makawala. Sigaw na nagpapakita ng pagkasawang masaktan at magpagapi. Sigaw ng pagod at uhaw na katauhan.

Salamat sa mga matatapang na lumaban. Salamat mga bayani ng sangkatauhan. Sa mga bayaning nagbuwis ng buhay at ginamit ang sariling panitik upang makamtam ang inaasam na kalayaan. Ang Inang Bayan ay nagalak at patuloy na nararanasan ang kalayaang matagal na hiling ng buong bayan.

By: Maureen M. Tacazon