Di puwedeng paghiwalayin ang panitikan at kasaysayan. Di pwedeng maglayo ang dalawang paksang ito, sapagka’t may kinalaman ang bawa’t isa sa isa’t-isa, ayon sa mga awtoridad.
Nagagamit ang panitikan sa pagtuturo ng kasaysayan, ganoon din naman, nagagamit ang kasaysayan sa pagtuturo ng panitikan.
Sa Pilipinas nagsimula ang panitikan sa paraang pasalita, na nagpreserba lamang ng ilang mga tao na may kakayahan na magtala ng mga ito, at naitala sa panahon ng ating mga naunang mga ninuno. Nagkakaroon ng pagkakataon ang mga mambabasa na malaman ang mga naitala noong mga panahong nagdaang, ang kanilang mga damdamin, mga kaisipan, kaluluwa at mga hanging nalanghap noong kanilang kapanahunan. Mula sa mga ito, ang mga mag-aaral ay mababatid kung ano mga pangyayari sa bahaging iyon ng kasaysayan.
Isa sa mga manunulat na nabigyan ang mga mambabasa ng mga medyo magaan na bahagi ng panitikan at kasaysayan si Ambeth Ocampo. Nagawang ibahagi sa atin ang mga ligter sides ng kasaysayan sa pamamagitan ng mga pananaliksik. Naipakita niya ang ating mga bayani ay kagaya din natin sa ilang kilos at gawi. Halimbawa, ang sabi niy a ay gustong-gusto rin na may mga bayani na hilig kainin ang tuyo para sa kanilang almusal, may isa rin tayong matapang na bayani ang naoperahan sa appendicitis, samantalang gustong-gusto naman daw ni Apolinario Mabini ang gatas ng kalabaw. Naipakita ni Ocampo sa kanyang mga isinulat na parang buhay at humihinga an gating mga bayani na para bang hindi natin kailanman maaabot. Malalaman din natin na sila ay nagkaroon din ng maliit na di-pagkakaunawaan, na kung minsan ay natutukso rin, na sila ay walang mga halo sa ulo o pakpak na maari nilang magamit sa paglipad sa himpapawid na sila ay mga mortal na nilalang din. Maaari rin nating maisip na puwede rin tayong mga bayani sa ating kasaysayan. Matatagpuan ang mga kuwentong ito sa mga aklat na “Rizal Without the Overcoat, Aguinaldo’s Breakfast or Luna’s Moustache”.
Ilan din sa mga tula na naisulat noong panahon ng rebolusyon ang ng ating mga bayani ang “Padre Faure Witnesses the Execution of Rizal” at ang “A Letter from Tirad Pass” ni Danton Remonton at Ruel De Vera. Ang nagsasalita sa unang tula ay si Padre Faura noong siya ang Direktor ng Manila Observatory noong panahon ng eksekyusyon kay Rizal habang pinagmamasdan ang mga pangyayari sa Bagumbayan noong malamig na ika-30 ng Disyembre mula sa bubungan ng Ateneo Municipal. Tandang-tanda pa raw niya noong itinaas ng mga sundalo ang kanilang mga riple. Ang isa pang tula ay mula sa kaisipan ni Gregorio Del Pilar, sumulat kay Heneral Aguinaldo tungkol sa matagal nilang paghihintay sa Tirad Pass. Binanggit din ang katapangan na may bahid ng takot habang nag-aalala kung sila ay aabutan pa ng panibagong-bukas.
Ang dalawang tula ay mga payak at mga melodiya sa kabila ng marahas na nilalaman at kawalan ng regular na ritmo nito. Ang mga ganitong uri ng panitikan ay nakapagbibigay buhay sa isang klase ng Araling Panlipunan. Ang pagsasama ng kasaysayan at panitikan ay isang paraan upang maganyak pa ang mga mag-aaral sa pagpasok sa isang silid-aralan ng Araling Panlipunan, na tinatalakay ang mga tula, epiko, nobela, parabola, alamat, pabula, diary, journal at iba pang genre ng panitikan na tiyak na panggagalingan ng mga katotohanan tungkol sa kasaysayan.
Sanggunian:
Literature as Handsmaiden of History RAP Journal. Vol XXX. Oct. 2007
By: Marilyn D. Sacdalan Teacher I Bataan National High School Balanga City