Kasipagan ang Kayamanan na Magpapaunlad sa Bayan

Mayaman ka man o mahirap ay kailangan mo magsipag upang umasenso at mahirap itong gawin, kahit magsipag kayo ay dadaan pa rin kayo sa hirap, mabibigo kayo ng maraming beses pero ang importante ay huwag kang sumuko at magsipag kang makamit ang hinahangad mo. Hindi lahat ng bagay ay makukuha mo ng isang subok lamang,…


Mayaman ka man o mahirap ay kailangan mo magsipag upang umasenso at mahirap itong gawin, kahit magsipag kayo ay dadaan pa rin kayo sa hirap, mabibigo kayo ng maraming beses pero ang importante ay huwag kang sumuko at magsipag kang makamit ang hinahangad mo.

Hindi lahat ng bagay ay makukuha mo ng isang subok lamang,  wala kang makakamit kapag mag- isa ka, lalo na kung hindi ka magsisikap at magtitiyaga sa buhay na puno ng pag subok, kaya magpakatatag ka magsumikap ka na makaahon kung gusto mo ay napakaraming paraan gawin mo ang gusto mo dahil hindi mo na kailangan ng dahilan kung ayaw mo ay iyong pahindian pero huwag mong kalimutan ang tamang daan upang hindi ka maligaw sa paroroonan.

Ano po ba talaga ang kasipagan, isa po itong salita na binubuo ng pitong letra napakadali po nitong banggitin pero napakahirap gawin hindi po dahil sa mahirap po talaga ang nagpapahirap lamang po dito ay ang sarili ninyo na iniisip na hindi ninyo po  ito kaya, nawawalan kayo ng pag- asa kahit hindi pa naman po kayo nag sisimula at minsan ang pinakamasakit ay alam ninyo na ang dahilan pero hindi ninyo pa rin malabanan, kung tutuusin ay napakadali mabuhay sa mundo mga tao lamang ang nagpapakumplikado nito pero kung hindi ka sumasang -ayon sa pag trato sayo ay magsipag ka ipakita mo na karapatdapat kang igalang balang araw ay ang mga nang- aapi sayo ay manghihingi ng tulong sayo pero huwag ka mag tanim ng sama ng loob at tulungan sila dahil hindi mo mararating kung ano kinatatayuan mo kung hindi dahil sa sarili mong sikap, tiyaga, diskarte at mga taong tumulong sa yo.

Minsan po ay hindi lang sipag ang kailangan ng tao para umangat pero kaya ko po nasabing ito ang kayamanan na magpapaunlad sa bayan ay dahil ito po ang simula upang umasenso kayo, ang bayan ninyo at ang bansa na kinatitirahan ninyo, hindi po dahil umasenso kayo ay magiging mayabang na po kayo at aapihin ang mas mahina sa inyo kapag ginawa po ninyo iyon ay wala na rin po kayo ipinagkaiba sa mga taong nang- api at nagpahirap sa inyo nung walang wala pa kayo, huwag ninyo rin pong kalimutan tumanaw ng utang na loob sa mga taong tumulong at tumutulong sa inyo, tumulong din po kayo sa ibang tao upang umasenso sila kung lahat lamang tayo ay nagsisikap at nagtutulungan ay wala na po sanang naghihirap higit sa lahat ay palagi po kayo magdadasal sa diyos upang magpasalamat sa mga biyayang nakamit.

By: PURITA V. QUILIT ADMINISTRATIVE ASSISTANT III DEPED HERMOSA NATIONAL HIGH SCHOOL