“Katamaran!’’

Katamaran?Katamaran?Mabuti ba ito? Kailan ito nararamdaman?Maraming tao ang nakakaramdam ng katamaran, bakit nga ba? Ano ang sanhi nito sa ating Sistema?Dapat bang tangkilikin ito ng mga tao?Ayun sa mga eksperto ,ang katamaran ang ugat ng kahirapan, Gaano ito katutoo? Ating pagnilayan. Nakakita ka na ba ng taong asensado na may pasan na katamaran? May Nakita…


Katamaran?Katamaran?Mabuti ba ito? Kailan ito nararamdaman?Maraming tao ang nakakaramdam ng katamaran, bakit nga ba? Ano ang sanhi nito sa ating Sistema?Dapat bang tangkilikin ito ng mga tao?Ayun sa mga eksperto ,ang katamaran ang ugat ng kahirapan, Gaano ito katutoo? Ating pagnilayan. Nakakita ka na ba ng taong asensado na may pasan na katamaran? May Nakita ka bang mayaman na tamad? Simple lang ang sagot . “WALA “Walang asensadong tamad, kaya nga ang kasabihang si Juan Tamad. Sa kwento ni Juan Tamad hindi ka pa ba namulat, hindi ka pa ba nangamba? o Naitanong mo na ba sa iyong sarili na kaakibat mo ba itong salitang katamaran? Maraming katanungan ang aking naitalaga na masasabi kong ang lahat ng sagot ay makikita mo na sa iyong sarili.Huwag na tayong lumayo oo ikaw yun , bakit ikaw simple lang kase nasasalamin ko na ikaw at ako ay iisa . bakit kase kahit ako ay nakaramdam ng katamaran oo ako ay may katamaran sa lahat ng bagay kaya nga till now ako ay dakilang teacher 3 sa aking panahon , dahil sa katamaran kung tapusin ang aking masteral ay uulit na naman ako sa simula . o dba maliwanag na katamaran. Palagi kong salita dadating ang araw ko kapag akin yun akin yun. Palasak na ang ganitong salita sa atin . lahat ganun ang katwiran ayaw nating humakbang ng mas mataas , mas Malaki, naniwala tayo sa kasabihan “ ang lumakad ng matulin , kung matinok ay malalim” doon ako nanahan na masasabi kong mali dahil matuling lumipas ang limang taon na wala akong ginawa?wala akong ihinakbang , walang progreso kaya ito ako ngayon nasa 33 units hanggang ngayon, naisarado ko siya sa paraang comprehension ngunit sabi nga napapaso ang lahat ng bagay. Siguro konting push pa , kunting motibasyon pa, nagliliwanag ang aking isipan kanina noong ako ay umattend sa pagpupugay sa aming mahal na paaralan kay Cayetano arellano , andun ang taong naging Doctor ng Edukasyon na sobra kong hinahangaan . nainsperd ako na bat siya kaya niya? bat ako ito siguro kayo ko din? Kulang lang talaga ako sa motibasyon kase nga diba katamaran. Sana sa hinaharap makuha ko kung ano ang meron sila pangarap ko din na may ikabit sa aking Pangalan bukod sa pangalang ipanamana sa akin ng aking mahal na Ama at ngayon ay pangalan ng akin asawa.Kaya ano pa ang aking hinihintay ,,,,,, Hayo at tapusin ang nasimulan na upang may magawa ka naman sa pangalan na ibinigay sa iyo ng iyong mahal na Ama at Asawa wag ka Manahan sa Katamarang walang Patutunguhan”Sabi nga ‘ ‘Ang Edukasyon ang gamOt , sa Kamangmangan”

By: EDIESA P. MENDOZA | Teacher III | BNHS