Ano na nga ba ang Kinabukasan ko? Paano na ako? Ilan lamang ito sa mga katanungan na madalas na naririrnig o naiisip ng isang taong tulad natin, ngunit ano nga ba ang ibig sabihin na kinabukasan?
Kinabukasan ito ay tumutukoy sa mga mangyayari sa atin sa hinahaharap o ito ay magaganap pa lamang.
Ngayon aking bibigyang kahulugan ang salitang KINABUKASAN.
K-abataan ang pag asa ng bayan,
I-nspirasyon sa bawat mamayan,
N-agbibigay buhay sa mundo,
A-abutin ang mga pangarap,
B-asta pamilya ang kasama at laging
U-muunawa sa bawat problema,
K-arungan ay matatamo
A-ral ay isasapuso
S-akripisyo ibibigay basta para sa pamilya,
A-ting tandaan bawat tao ay
N-atututo,nagsususmikap at nagtatagumpay basta ikaw ay nakaagapay.
Sana sa aking pagbibigay ng mensahe sa bawat letra, kinabukasan mo ay naging malinaw na, kaya’t bigyan mo ng halaga ang pag-aaral na sayo ay magbibigay ng tagumapay at pag-asa, ng pagdating ng panahon kinabukasan mo ay maging maganda at handa para sa darating na bukas.
By: APRIL JANE A. BRIONES / TEACHER I /BAGONG SILANG ELEMENTARY SCHOOL | BALANGA CITY, BATAAN