KONTROBERSYA SA USAPIN NG DAP

    Sentro ng kontrobersyal sa kasalukuyan ang usapin ng Disbursement Acceleration Program o DAP. Maraming malalaking personalidad ang nasangkot sa usaping ito particular na ang ating pangulo ng Bansa kabilang ang ilang miyembro ng kabinete. Bilyung bilyong pisong pera ng mamayan ang di umano nagamit at naibulsa ng mga nasa matataas na pwesto sa…


 

 

Sentro ng kontrobersyal sa kasalukuyan ang usapin ng Disbursement Acceleration Program o DAP. Maraming malalaking personalidad ang nasangkot sa usaping ito particular na ang ating pangulo ng Bansa kabilang ang ilang miyembro ng kabinete. Bilyung bilyong pisong pera ng mamayan ang di umano nagamit at naibulsa ng mga nasa matataas na pwesto sa pamahalaan. Dahil sa DAP na ito ay nagkagulo ang bayan at kabila-kabila ang naisagawang kilos protesta. Ang DAP pa rin ang naging dahilan kung bakit ang Ehekutibo at ang Kataas-taasang Hukuman ay patuloy na nagba-banggaan mahigpit na kinondena ni Pangulong Aquino ang desisyon ng Korte Suprema na ang DAP ay unconstitutional o di naaayon sa itinadhana ng Konstitusyon. Ang Banggaang ito ng dalawang maimpluwensang sangay ng pamahalaan ay isang masamang senyales na posibleng mauwi sa mas malalang sitwasyon sa bansa. Maapektuhan ang pamamalakad ng gobyerno at masisira ang imahe ng Korte Suprema. Sa ganitong senaryo, ang magdurusa ang taong bayan. Lulutang ang destabilisasyon at ang pagkakawatak-watak ng taong bayan. Mahaba at masalimuot pa ang usapin sa DAP . Marami pang pangyayaring magaganap na dapat subaybayan ng taong bayan upang malaman ang katotohanan at sa bandang huli ang siya ring huhusga sa magiging resulta ng usaping ito pangyayaring magaganap na dapat subaybayan ng taong bayan upang malaman ang katotohanan at sa bandang huli ang siya ring huhusga sa magiging resulta ng usaping ito.

 

By: Norberto S. Baltazar- Utility Orani National High School – Main