KORUPSIYON

Ang Korupsyon ay maituturing na sakit na ng lipunang Pilipino. Sinasabing ito ay nangyayari na simula pa noong panahon ng mga Espanyol. Ano nga ba ang ibig sabihin ng korupsyon? Ang korupsyon diumano ay pang-aabuso sa puwesto sa pamahalaan para magtamo ng mga pan-sariling pakinabang.             Ginagamit halimbawa ng mga kawani o opisyal ng…


Ang Korupsyon ay maituturing na sakit na ng lipunang Pilipino. Sinasabing ito ay nangyayari na simula pa noong panahon ng mga Espanyol. Ano nga ba ang ibig sabihin ng korupsyon? Ang korupsyon diumano ay pang-aabuso sa puwesto sa pamahalaan para magtamo ng mga pan-sariling pakinabang.

 

          Ginagamit halimbawa ng mga kawani o opisyal ng pamahalaan ang kanilang trabaho sa pamahalaan upang makamit ng pera, personal na pabor o iba pang pakinabang. Ang korupsyon ay nagaganap tuwing tumatanggap, gumihingi o nangingikil ang isang tauhan ng pamahalaan ng anumang-halaga mula sa isang indibidwat o samahan kapalit ng mga espesyal na pabor.

 

          Ang korupsyon ay nagaganap di lamang sa pamahalaan maging sa pribadong sektor din. Mas napopokos lamang ang pansin ng tao sa kkorupsyon sa pamahalaa dahil ang nawawalan dito ay ang taong-bayan. Sa halip na pakinabangan ng mamamayan ang pera, napupunta ito sa bulsa ng mga tiwaling mamamayan ng bansa, pinuno o kawani ng pamahalaan.

By: Ma. Gemma C. Dela Fuente | Teacher II | Limay Elementary School | Limay, Bataan